Tinitigan ko muna ang kulay puting ihian bago ako gumaya sa posisyon na ginawa ni Sir Rint. Dahan-dahan pa akong lumapit at nilayo ang dalawang hita ko para swak sa ihian ang pwesto ko. Syempre, kunyarian na ito kahit alam kong napaka-alanganin nang ginagawa ko. May harang naman sa bawat gilid kaya hindi naman nagkakasilipan ng mga to-toot ang mga lalaki sa loob. Nasa kanan ko si Sir Rint habang nasa kaliwa ko naman si Sir Jayson. Hindi ko alam kung saan napadpad ang Mark na iyon. Mabuti at wala iyon sa tabi ko ngayon dahil baka maka-isip pa ng kalokohan iyon at lalo pang madisgrasya ang lagay ko. Hindi naman siguro magtatangkang manilip ang dalawang ito sa pototoy ko kaya dapat limang segundo lang ay tapos na ako. Sa isip-isip ko. Halos sabay lang kami kumilos ni Sir Jayson. Nagkunyari

