- RINT - Sunday. 6pm. Kasalukuyan ng dinaraos ang kaarawan ni Riesha at dito lang din sa bahay nila mama ang venue. Malaki naman ang space sa garden namin kaya dito na lang dinaos. Naghuhurumentado pa nga si Riesha dahil gusto niya sa mamahaling hotel ganapin ang 18th birthday niya, bagay na tinutulan ni mama dahil mapapagastos lang kami nang malaki. Naging praktikal lang si mama dahil unang-una kami lang dalawa ang magkatuwang sa finances. Pareho pang nag - aaral sina Reymark at Riesha. May naipon naman kahit papaano ang namayapa naming ama pero ginagamit lang din iyon ni mama sa pagpapaunlad ng kaniyang talent and model agency. Hindi rin naman kasi sanay sa magarbong pagtitipon si mama kaya walang nagawa si Riesha kung hindi ang sumunod. Hindi man ginanap sa mamahaling hotel ang kani

