- DM - Napanganga ako pagkakita sa maLaking bahay na nasa harapan ko. Hindi ko pa rin maiwasan mapahanga kapag nakakakita ako ng magagandang bahay, kahit pa na araw-araw naman ako nakakakita nun sa village na tinitirhan ni Sir Rint. Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Jomar sa baba ko at tinaas ito para magtagpo ang itaas na bahagi ng labi ko. "Act like them," turan niya sabay turo sa grupo ng mga babae na papasok sa malaking gate ng bahay na iyon. Mga babaeng nakasuot ng magagarang kasuotan na may magagandang palamuti sa mukha at nagkikintaban na mga alahas. "Anong gagawin ko?" Hindi ko kasi masyado magets kung ano ang ibig niyang sabihin. "Huwag kang pa-obvious na wala kang alam sa ganitong mga sosyalan. Umarte kang galing ka rin sa mayamang pamilya. Alam kong ngayon ka l

