-DM- "DM, tapos ka na ba riyan?" Napapitlag ako nang marinig ko ang napaka-suwabeng tinig ni Sir Rint. Lechugas naman. Nahuli ako ni Sir Rint na nakatingin sa kaniya. Bigla akong napatalikod sa kaniya at napangiwi nang makita ko pa ang mga nagkalat na pinamili namin sa lamesa. Napa-ubo na lang ako para medyo bumaba ang kabang nararamdaman ko. "M-malapit na ito, Boss Amo." Mahigpit niya akong binilinan na huwag ng masyadong magalang kapag kausap siya. Huwag na raw ako gumamit ng po at opo dahil pinapatanda ko lang daw siya tuwing sinasabi ko iyon. Sinabi niyang maging normal lang ako sa pagsasalita at maging komportable na kausap siya. "Malapit na rin ako matapos dito sa niluluto ko. Maya-maya ay maghain ka na rin at ng makakain na tayo. Bukas mo na hugasan ang mga pinagkainan natin par

