-DM- Kasama ko ngayon ang magpipinsan na sina Janice, Diana at Jomar na gumagala sa mall. Pinilit talaga ako ni Mama Sweet na sumama sa tatlo. d Wala talaga akong balak na lumabas ng bahay dahil mas gusto kong magpahinga pero nang makita ko ang paglaki ng mata ni Mama Sweet, tanda na magagalit siya kapag nagmatigas ako ay napagdesisyunan ko na rin ang mag-asikaso. "Halika, DM. Mukhang bagay sa iyo ito." Narinig ko ang malakas na tawag ni Diana mula sa kabilang aisle. Nandito kami sa Lady JeweL Boutique na ang paninda ay more on semi-formal attire gaya ng dress at long gown. May bibilhin na damit ang dalawang magpinsan na babae na susuotin nila sa nalalapit na debut ng kanilang schoolmate. "Ano na naman iyan?" Nakasimangot akong lumapit kay Diana at pinakita niya sa akin ang kulay brown

