-RINT- "Ano?! Bakit ako? Bakit ako nadamay diyan?" DM asked in a serious voice. "Masama ba? Alangan namang kilalanin ko si Kuya Rint eh matagal ko ng kilala iyan. Hindi naman puwede si Yvonne at tahol lang naman ang isasagot nun sa akin. Sino pa nga ba ang puwede kong kilalanin sa malaking bahay ni Kuya? Eh 'di, ikaw!" and Reymark suddenly burst out laughing. "Bakit nga? Bakit gusto mo akong kilalanin? Ano bang mapapala mo sa akin?" nalilitong tanong ni DM sa kaniya. "Easy. Relax lang, DM." My brother continued laughing. "Ano ka ba, parang hindi naman tayo magkaibigan niyan eh. Ipagdadamot mo ba sa akin ang identity mo? Hindi ka ba natutuwa na tayong magtropa ay may cute na initial. Ako, RM. Ikaw, DM. Ako, Reymark. Ikaw?" Interesado rin ako na malaman ang isasagot ni DM sa kaniya. Oo

