- DM - Nalipat ang tingin sa akin ni Sir Rint. Nagkatitigan kami at kinabahan ako sa titig na iyon. Parang kinikilala niya ako sa paraan ng pagtitig niya. Kinabahan ako nang lumipat naman ang tingin ko kay Mama Sweet. Nakabuka ang bibig ko pero walang salita ang lumabas. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. "Danniecam here! Danny, come here! Come here, my unijo hijo." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano dahil imbes na ako ang mag-come here sa kaniya, siya ang nag-come here sa akin. "I miss you, Danny Mario. I really miss you." Hinalikan niya ako sa noo, sa pisngi, sa ilong, sa talukap ng mata ko at sa buhok. Akala ko ay hahalikan din niya ako sa labi pero mabuti at umatras siya at tumawa lang. "I-I.... miss you too, M-Mama Sweet." Sinabi siguro ni Sir Rint ang pangalan na g

