Kabanata 1

3133 Words
Escort KAMILA “Iputok mo! Iputok mo sabi! Hanggang tutok ka lang namang putangina ka!” sigaw ng hayop na nasa harap ko habang tinututukan ng baril sa sentido ang biktima niya pero kitang-kita ko naman ang panginginig sa kamay niya na halatang hindi sanay sa ginagawa. Sanay lang siya sa likod ng mga bata niya pero halatang hindi ganoon ka-eksperto pagdating sa baril na hawak niya. Bobo. Andyang aalisin niya pa ang kamay ro’n at itututok din sa akin kagaya ng pagtutok ko ng baril ko sa kanya na para bang sa pamamagitan no’n ay matatakot ako sa kanya. Neknek mo. Ito na yata ang pinakawalang kwentang drug lord na nakilala ko. I can’t believe we wasted a month just for this f*cking wannabe! “Puro ka pagtutok hindi mo naman maputok! Ibaba mo ‘yan kung ayaw mong sumabog ang bungo ng duwag na ‘to!” “Agostini, put down your gun!” sinesenyas sa akin ng partner ko na si Aries pero wala sa loob ko ang makinig sa kanya. Nag-iinit na ang dugo ko sa hayop na nasa harap ko. Hindi ko alam kung nasa talampakan ang utak niya. Wala namang mababago kahit mang-hostage pa siya. Napapaligiran na namin siya, patong-patong na ang mga kasong ilalatag sa kanya. Hinding-hindi na siya makakatakas. “Ibaba mo sabi ang baril mo!” “Fine! Let her go. Pag-usapan natin ‘to, Romano.” Ngumisi siya ngunit ngali-ngaling paputukan ko siya sa ulo nang makitang mas humigpit ang hawak niya sa leeg ng biktima niya na isa sa bagong pasok sa team namin. Sinabi na kasing ‘wag nang sumunod, ayan at hindi nakinig. Nasampolan tuloy siya sa unang sabak niya sa field. “Palayasin mo ang lahat ng mga pulis sa baba bago ko bitiwan itong lampa ninyong kasamahan! At ibaba mo ‘yang putanginang baril mo!” Pang-lima. Pang-limang mura sa akin mula kanina. Puta. Wala na. Sagad ka na. Umakto akong ibababa ang baril ko. Umakto. Dahil nang masulyapan ko ang pagluwag ng kapit niya sa kasamahan ko at ang pagkawala ng atensyon niya sa baril na hawak niya. Mabilis ko siyang pinaputukan sa tuhod. “Hayop ka–” Hindi niya na nagawa ang balak niyang pagbaril nang isunod ko ang kamay niya. “Damn it, Agostini! Ano sa tingin mo ang iniisip mo?!” mas malakas pa sa kulog ang boses ni Captain na pinatawag ako sa opisina niya. “Ang matapos nang maaga sa trabaho, Sir.” “Agostini!” May lakad pa ako. Sinulyapan ko ang relo ko at binilang ang oras na kailangan ko para sa bago kong trabaho. “Nag-iisip ka ba talaga? Paano kung napaputukan niya ng baril si Acozta?! Or worse ikaw ang nakabaril sa kanya?” Hindi ako mayabang pero kelan ba ako nagmintis sa mga tinamaan ko? Blanko ang mga matang sinulyapan ko si Captain Zarudo. “Sir, hindi naman iyon ang nangyari–” “At nangangatwiran ka pa!? Kinalimutan mo na ba ang mga tinuro sa ‘yo sa academy!? Ang mahalaga na lang ba sa ‘yo ay ang resulta ng trabaho mo at wala ng pakialam sa magiging tamang proseso no’n? Delikado ang ginawa mo–” “Captain, ginawa ko ang tingin kong makakapagligtas sa buhay ni Acozta! Puro lang banta si Romano. Pinapatagal lang niya ang kahayupan niya at sinasayang ang oras natin!” “At bakit ba madaling-madali ka, Agostini?! May lakad ka ba?” Oo. “Sir–” “This is not you, Agostini. Ito na nga ba ang sinasabi ko, tinanong kita kung kaya mo na pero sabi mo’y oo pero mukhang hindi pa pala. Hindi pa handa iyang utak mo para dito. Dalawang buwan na suspension ang ibibigay ko sa ‘yo dahil dito. Huwag ka nang mag-report mula ngayon.” “Sir, yes, sir!” saludo ko sa kanya at agad kong nakita ang pagtigil niya. Of course, he's surprised because I am Kamila Estelle Agostini–I never back down. Bakit ngayon ay ganito na lang kadali para sa akin ang sundin ang parusa na inihahatag niya sa akin? Dahil mas maigi na ‘to. May misyon ako at baka mahirapan akong isabay ang trabaho ko doon. “Kamila…” Napalunok ako nang tawagin niya na ako sa pangalan ko. Lumamlam ang mata ni Captain Zarudo. “Ninong,” sambit ko naman at yumuko sa harap niya nang lumapit na siya sa akin. “Mauna na po ako–” “Anong pinaplano mo? Sinadya mo ba ‘to para bigyan kita ng suspension?” Mabilis ko siyang binigyan ng nagtatakang tingin at kunwang natawa. “Ninong, ano bang sinasabi n’yo? Wala akong plano. Sige na ho, mauuna na ako.” Tinalikuran ko siya pero natigil nang muli niya akong tawagin. “Kamila, kalahating taon na halos ang nakakalipas. Walang nakitang foul play sa pagkamatay ng Ate mo–” “Magbabakasyon ho muna ako sa Aklan. Pasensya na ho sa nagawa ko sa trabaho, Ninong. Asahan ninyong sa pagbabalik ko’y ayos na ako,” putol ko sa kanya at kuyom ang kamao na lumabas ako ng opisina niya. Umaahon na naman ang galit sa loob ko kaya nilagpasan ko lang si Aries na sasalubungin ako at may pagmamadali ang kilos na lumabas ako ng headquarters. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at mabilis pa rin ang hakbang na lumabas ako. Nang nakarating ako sa parking lot, sa harap mismo ng motor ko ay galit kong sinuntok ang pader. “Kam!” sigaw ni Aries at hinawakan ang kamao ko nang muli ko sanang isusuntok ‘yon pero natauhan ako ng maramdaman ang paghapdi no’n. Goddamn it! Hindi ako pwedeng mabangasan ngayon pero napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa braso ko. Hinubad ko ang leather jacket ko at napamura nang makita ang daplis ng bala roon. Naupo ako sa gutter at napasimangot dahil mabubulilyaso ang outfit ko ngayong gabi. “May tama ka–” “Malayo sa bituka. May yosi ka?” Iiling-iling na binigyan niya ako at siya pa mismo ang nagsindi no’n. “Nasermonan ka ni Daddy?” tukoy niya sa Captain namin na siyang ama niya. “Ano pa nga ba? Two months suspension. Pero okay na rin, bakasyon muna ko.” “Bakasyon? Huwag mo akong lokohin, Kamila. Alam ko ang plano mo.” Binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. “At kung may makakaalam ng plano ko maliban sa ‘yo, yari ka sa akin, Aries.” Napanguso siya na animo bata at nagbuga na rin sa yosi na hawak niya. “Kam, why don’t you just–” “Huwag mo nang tapusin iyang sasabihin mo kung ayaw mong ikaw naman ang paputukan ko ngayon.” Malalim siyang bumuntonghininga. “Fine! Kapag may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin. Hindi biro ‘tong gagawin mo–” “Oh come on, it’s not like ito ang unang beses na magdi-disguise ako. Ang pagkakaiba nga lang hindi na lang basta misyon o trabaho ‘to sa akin. Personal ‘to. Aalamin ko ang nangyari, Aries. Sabihin n’yo mang lahat na walang mali sa nangyari sa kapatid ko, hindi ako naniniwala.” At kapag nalaman ko na dahil lang may pinoproteksyunan ang mga nakakataas sa atin kaya mabilis nasarado ang kaso na ‘yon. Wala akong pakialam sa sinumpaan ko, ako mismo ang kukuha ng hustisya para sa kapatid ko. Tumayo ako matapos ibato ang sigarilyo at apakan ‘yon ng paa ko. Inalok ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap niya naman ‘yon. “Sigurado kang hindi ka magpapadala sa hospital–” “Daplis nga lang ‘to. Kayang-kaya ko na. Paano? See you when I see you,” pagtapik ko sa balikat niya at sumakay na sa motor ko’t matapos mailagay ang helmet sa ulo ay mabilis kong pinaharurot ‘yon paalis. Habang nagmamaneho ay lumilipad ang isip ko sa mangyayari ngayong gabi. Mas bumilis ang patakbo ko kaya wala pang kalahating oras ay narating ko na ang apartment na tinutuluyan ko. Una kong ginamot ang sugat ko matapos kong maligo. Uminom din ako ng pain reliever. Mamaya naman ang alak. Dahil sa bangas ko sa braso ay hindi na ang pula kong sleeveless dress na halter neck ang isusuot ko. I wore a tight fitting black dress with half sleeves. Malalim ang neckline no’n at bumagay sa malaki kong dibdib. Ni hindi iyon umabot sa kalahati ng hita ko, sa oras na tumuwad ako ay makikita na ang g-string na suot ko. Ganoon kaikli. Pero hindi ko naman kina-ilangan ‘yon. Mas komportable man ako sa t-shirt, army pants, at combat shoes. Sa trabahong meron ako ay hindi miminsan na kinailangan kong magsuot ng mapang-akit na mga damit para sa isang misyon. Pero kahit na ganoon ang suot ko’y sinigurado kong elegante ang pagkakaayos ko sa sarili. Iniladlad ko ang buhok kong kinulot ko ang dulo at hindi ko na kinailangan ng makapal na make-up para sa mukha ko. The more natural, the better. Sexy and yet innocent and elegant looking. That’s my disguise for tonight. I need to get a high paying customer tonight as an escort. That way, magiging maganda ang record ko sa unang araw ng trabaho at kapag nangyari ‘yon makakasali ako sa mga A-list escorts ng Belles and Saints. That’s my goal. Pinapungay ko ang mga mata ko at imbes na pulang lipstick ang ilagay sa labi ko’y pinili ko ang pink. May ngisi sa labi kong isinuot ang stiletto kong sapin sa paa at isang pasada pa sa salamin ay nilisan ko ang apartment ko at sumakay sa naghihintay na nirentahan kong kotse sa labas. *** “Oh wow, you must be our new escort, in fairness, sabi nga ni Mamang de-kalibre ang bagong alaga niya ngayon,” anang isang binabae na pinaiikutan ako ng tingin habang nakatayo sa harap niya. Ang mamang na tinutukoy niya ay nakaupo at humihithit ng sigarilyo na pinagmamasdan ako napapatango. “So, anong dahilan kaya ka pumasok dito?” Sasagot na sana ako nang tumawa siya at iwasiwas ang kamay. “No need to answer me dear, alam na alam ko na agad ang sagot. May sakit sa pamilya mo ano? At siyempre kailangan mo ng pera na mabilisan makuha?” ngisi niya sa akin. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya pero gusto kong malakas na tumawa dahil wala akong ganoon. Wala akong matatawag ng pamilya. Pero sabagay iyon din naman ang rason kaya nandito ako, hindi rin siya nagkakamali, nga lang ay wala na ang taong ‘yon. “Tama na ‘yan, Gigi, asikasuhin mo na lang ang pagbubukas natin. Nasasabik ako sa kikitain natin ngayong gabi. This is our big night, I’m sure may mga bago tayong customer.” “Tama ka diyan, Mamang! O siya, una na ang beauty ko. See you later, Stela,” kindat niya sa akin at bumeso pa. Bwisit. Nang tuluyan ng makaalis si Gigi ay pinaupo na ako ni Mamang sa harap niya. Tumayo siya saglit at pagbalik ay may dala-dala ng folder na inabot sa akin. Binuksan ko ‘yon at binasa ang nilalaman. Dito pa lang ay masasabi ko ng talagang naiiba ang Belles and Saints sa ibang mga club na nagkalat sa Pilipinas. May mga kontrata pa at halatang hindi basta-bastang isinulat ang mga naroroon. Mukhang may involve pang abogado. This is an elite escort club. Talaga ngang isang linggo ko pang plinano kung paano makakapasok dito. Mabuti na lang at kahit hindi ko gusto kapag pinag-uusapan namin ni Ate Karla ang tungkol sa club na ‘to ay pinakikinggan ko pa rin ang mga kwento niya. Dahilan para maging madali sa akin na makilala si Mamang at bigyan siya ng dahilan para siya mismo ang mag-alok ng trabaho sa akin dito. “Oh, kapag pinirmahan mo ‘yan wala ng atrasan. 60-40 tayo dito sa Belles and Saints. Siyempre sa amin ang 60 gaya ng sabi ko, sa ‘yo ang 40. Labas na rin kami kung bibigyan ka ng tip ng customer mo. Bahala ka na ro’n.” Tumango-tango naman ako at basta na lang pinirmahan ‘yon. Meron pang Non-disclosure agreement na kasama iyon. “Kagaya rin ng sabi ko, nasa sa ‘yo na kung anong gagawin mo sa mga magiging customer mo pero ‘wag kang mag-alala dahil may kontrata din naman tayo sa kanila. Pwede ka nilang halikan, akbayan, yakapin, pero no s*x involved unless ikaw mismo ang may gusto. Sa oras na labagin nila ‘yon, don’t worry, ang Belle’s and Saints mismo ang makakalaban nila, pero hindi pa naman nangyari ‘yon. Alam kong nakakatawang sabihin ito, pero matitino naman ang mga kliyente dito sa Belles, hija.” Tumawa siya matapos sabihin iyon bagay na parang ako mismo ay gustong gawin. “Nakakatawa nga naman, sinong matino ang magbabayad para kumuha ng serbisyo ng escort pero charot lang, respetado at malalaking tao ang kadalasang kliyente dito. Kailangan lang ng escort na dadalhin nila bilang mga trophy nila sa kung anu-anong party o business deals.” Tumayo si Mamang matapos kong maisara ang folder nang mapirmahan ko na ang bawat pahina no’n. Tinanggap ko ang inaalok niyang kamay sa akin. “Welcome to Belles and Saints, Stela.” Hindi ako nagsalita at ngumiti lang. Tinanggap ang kamay niya, kunwaring kinakabahan ako sa paningin niya pero sa loob-loob ko’y nabubuhay ang emosyong siyang ginamit ko para manatiling buhay sa mga oras na ito. “Inilagay na kita sa private website namin. Pero dahil big night nga ngayon, kailangan ninyong mismong humilera sa stage mamaya para pagpilian kayo ng mga client. Kakaiba rin ang gabing ito dahil bidding ang gagawin namin, tingin ko’y isa ka sa makakakuha ng mataas na bidding,” masayang saad niya at pumalakpak pa. Naks. Auction ang peg, tapos kaming mga babae ang ibi-bidding. Maisip pa lang na naranasan ‘to ng kapatid ko ay nagtatayuan na ang balahibo ko sa kilabot. “Do you smoke?” tanong sa akin ng isang babae na nakilala kong artista pa nga. Well, hindi ko na ikinagulat iyon pero siyempre dahil ako nga si Stela na baguhan sa trabahong ito, umakto akong nagulat pa. “K-kayo po si Layla hindi ba?” Ngumiti siya at tumango. Napatingin ako sa kaha ng sigarilyo na inaalok niya sa akin at kumuha naman ako ro’n. Pinahiram niya rin ako ng lighter. Sampung babae kaming nasa tinatawag na waiting area s***h dressing room ng Belles and Saints. Tila may grupo-grupo na ang mga babae dito at pansin ko pa ang ilan na masama ang tingin sa akin. Ilang saglit na lang ay kailangan na naming lumabas para pagpiyestahan ng mga lalaking kukuha ng serbisyo namin bilang escort. “Yes, I am. Hindi pa naman pala ako ganoon ka-laos,” pagtawa niya. “You are?” “Stela,” pagpapakilala ko at inalok ang kamay sa kanya na tinanggap niya naman. Ang totoo’y kilala ko na siya. Isa siya sa mga A-list na escort ng Belles and Saints. Sa sampu namin dito, siya at ang isang babae na nasa sulok na abala sa cellphone niya ang tanging elites. Kung nasaan ang iba ay naisip kong baka sa ibang gabi sila papasok. Sa bilang ko’y nasa tatlumpu ang mga escorts ng Belles and Saints. Meron din silang escort na mga lalaki. Sa tatlumpung babae kabilang na ako, anim lang ang nasa Elites. Pito kung nabubuhay pa ang Ate ko. Pero wala na siya. “So, before you take this job? Anong trabaho mo?” “Waitress,” tipid kong sagot at nginitian siya matapos humithit sa sigarilyo. “I see. Buti napasok ka dito, ang isang buwan mong sahod sa pagwe-waitress, higit pa roon ang pwede mong kitain sa isang customer lang.” “Oo nga eh, nasabi ni Mamang. Matagal ka na ba dito?” “Hmmmm, mga two years na. Mas malaki kita ko dito kesa sa pag-aartista,” paghagikhik niya at nilabas ang cellphone niya. “Picture tayo,” aniya at siyempre dahil kailangan kong maging malapit sa kanya ay nakipag-picture ako. “Alam mo, you look familiar…” aniya habang pinagmamasdan ang cellphone niya. Saglit na kumislot ang puso ko sa kaba pero nanatiling kaswal na nakikitingin ng mga pictures namin. Sa pagsilip ko sa mukha niya’y nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya pagkatapos ay napailing. “Bakit? May kamukha ba akong kakilala mo?” Hindi ko naman totally kamukha ang Ate ko. Mas lamang ang features ng mommy ko sa kanya at mas nagmana ako sa daddy kong half-italian, kaya nga mas prominent ang pagkakaroon ko ng foreign features. “Wala, wala,” pag-iling niya saktong bumukas ang pinto ng waiting area at pumasok si Gigi na pinalakpak ang mga kamay niya. “Okay, guys! Let’s go na! May mga bago akong mukha na nakita at isa ro’n jusko mga besh, ang hot! Tingin pa lang, ulam na!” tili niya dahilan para magtawanan ang lahat at siyempre nakisama ako. Tumayo na kami at may pinasukan na pinto. Doon ko mas napag-aralan ang club na Belles and Saints. Halatang pribado ang club at hindi biro ang mga taong makakapasok. May mga keycard pa sa bawat pinto na pinapasukan namin hanggang sa makarating kami sa parang main hall ng club. Hindi kalakihan pero hindi rin naman kaliitan. May mga paikot na sofa sa lugar at meron pang bar counter. May mga nag-iikot ding waiter at waitresses. May kadiliman ang paligid at medyo senswal ang musikang tumutugtog sa paligid. Kung hindi nga lang isang escort club ‘to, talagang mapagkakamalan mong isang auction ng mga painting ang lugar. Nagtungo kami sa stage at kagya’t akong nasilaw sa ilaw na tumama sa akin nang tumayo ako ro’n. Isa-isa ay may ilaw na tumama sa aming sampu. Nasa panghuli ako at katabi si Layla. Nagdilat ako ng mga mata at inilagay ang magandang ngiti sa labi dahil sa gabing ito’y kailangan kong mapatunayan kay Mamang ang sinabi niya kanina. Mataas na bidding para sa akin. Pero naglaho ang ngiting iyon nang tumama ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa gitnang sofa sa harap ko. Tila hari ang pagkakaupo niya roon at nakatutunaw ang dilim na meron sa mga mata niya. Umawang ang labi ng katabi niya na nakilala kong si End na lumaglag pa ang panga habang nakatingin sa akin. Inilagay ko ang kamay ko sa likod at mariing kinuyom ang kamao ko punong-puno ng pagmumura ang isipan ko. Shit! s**t! Damn it! Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking katabi ni End at sinalubong ako ng nagtatagis niyang bagang at galit na tingin sa akin. Oh, come on, this isn’t happening! Paanong nasa harap ko ang lalaking niligawan ko noon? Si Theo Figueroa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD