bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

book_age18+
2.7K
FOLLOW
37.7K
READ
billionaire
dark
HE
dominant
blue collar
bxg
genius
campus
office/work place
disappearance
like
intro-logo
Blurb

BELLES AND SAINTS FIRST INSTALLMENT

In the shadowy corridors of high society, Kamila Estelle becomes an escort in her quest for justice. When Theo Figueroa seeks an escort to dispel rumors about his sexuality, their paths collide, reigniting a long-lost love.

***

Dahil sa pagkakasangkot sa isang eskandalo, nanganganib na mawala kay Theo Figueroa ang business deal na gustong-gusto niyang makuha. Kaya nang bigyan siya ng ideya ng kanyang kaibigan tungkol sa isang high end club na nago-offer ng escort services, he gave in to his idea. However, he was in for a surprise when he encountered his former suitor and ex-girlfriend, Kamila Estelle, among the escorts at Belles and Saints. What will happen as their paths cross once again?

Excerpt:

“Three million,” ani Theo at lumikha ng tunog ang pagbagsak ng baso niya sa lamesa.

Theo f*cking won me as his escort.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula THEO FIGUEROA “Come on Theo, binibigyan na nga kita ng solusyon sa problema mo. Hindi ba pati nga ang Ate mo pinagdududahan ka, nag-away pa kami ni Gem dahil sa ‘yo, baka ako daw talaga ang lover mo at hindi si Anton–” Tumigil si End sa pagsasalita nang mag-angat ako ng tingin at titigan siya nang masama. Ibinaba ko ang blueprint na ni-re-review ko para sa bagong resort na dinedevelop namin sa Palawan at minura siya nang magawa niya pang tumawa. Napalunok siya at napapasipol na nagtungo sa cabinet na nasa opisina ko at kumuha ng alak doon at dalawang baso. Inilagay niya ‘yon sa table ko at nagsalin sa parehong baso. Inabot niya sa akin ang isa, hindi ko sana ‘yon tatanggapin dahil nabubwisit ako sa kanya pero kilala ko ang taong ‘to. Kahit pwede niyang ilapag na lang sa harap ko, hindi niya ‘yon gagawin. Kinuha ko ‘yon at mabilis na nilagok. Dumaloy ang init ng alak sa lalamunan ko at napapikit ako. Hinubad ko ang salamin na suot at isinandal ang likod sa swivel chair. I am busy with the company's new projects, and it's frustrating that the darn rumors about me are also circulating. When I remembered Ate Angeline's call to me yesterday, I just wanted to curse repeatedly out of the intense frustration I was feeling. I'm used to baseless gossip about me. May babae lang akong madikitan sa isang event, people would assume they were my girlfriend or worse, my fiance. I really don’t care about those rumors. People would also assume that I’m a playboy just because those girls would cry every time I rejected them, it’s not even my fault that I don’t find them interesting or attractive enough to be my girlfriend. Sanay ako sa mga walang kwentang balitang iyon, pero hindi sa bagong kumakalat na balita ngayon sa akin! Damn it! Sunod-sunod akong napalunok nang maalala ang kumalat na picture ko kasama si Anton sa isang bar. That bastard! This is all his fault! Kung hindi lang ako nangako sa ina kong hangga’t maaari ay hindi ako magiging bayolente at mananakit. Nasakal at nasapak ko na ang taong ‘yon. “Come on, Theo, this is a good plan. Hindi ba kamo’t kinakansel ni Mr. De Guzman ang mga meetings n’yo dahil busy siya? We both know that’s not true. Kilalang relihiyoso ang taong ‘yon at ang asawa niya. Kahit na nasa modernong panahon na tayo, may mga katulad pa din nilang naniniwala na ang babae ay para sa lalaki, at hindi pwede ang same-s*x relationship. Alam mong hindi biro ang perang iaakyat nila sa kompanya kung mako-close mo ang deal sa kanila na maging bagong manufacturer ng mga products nila dahil hindi lang ‘to local products. International one! This isn’t a million dollar project, Theo. Billions of dollars,” mahabang litanya ni End at nagseryoso na. Napahilot ako sa sentido ko at muling napainom ng alak. Simula nang maka-graduate ako at makapagtapos ng master’s degree sa ibang bansa, nagtrabaho na ako sa kompanya. Alam kong gustong-gusto na ni Ate Angeline na mas mag-focus na lang sa pag-aalaga sa pamilya niya pero dahil sa kanya naiwan ang pangangalaga sa FGC dahil may sarili ding mga kompanya ang mga nakakatanda naming mga kapatid, naging responsable siya at tinanggap ang pamumuno sa Figueroa. Tinutulungan din naman siya nila Kuya pero talagang hindi biro ang trabaho niya noong siya pa ang namamahala sa kompanya lalo pa’t ipinagpatuloy niya pa rin naman ang pangarap niyang pagtatayo ng isang clothing company. Kaya naman ng makapagtapos ay talagang inaral ko ang lahat-lahat ng dapat kong malaman at kahit maraming nagsasabi na bata pa ako para sa ganitong responsibilidad, napatunayan ko sa kanilang kaya kong mapatakbo ng tama ang kompanyang pinaghirapan ding itaguyod ng ama ko noong nabubuhay pa siya. Hindi ako pinilit ng pamilya ko na tahakin ang landas na ‘to, alam nilang ang paggawa ng kanta at musika ang passion ko pero sa dami ng mga sakripisyong ginawa ng mga kapatid ko para sa akin, alam kong kailangan kong manindigan at gawin ang parte ko sa pamilya namin. Pero ngayon ay nagugulo ang lahat! Pati ang ibang meetings ko ay naaapektuhan nang kumalat na balita tungkol sa akin. Lalong-lalo na ang business deal ko sa mga De Guzman! They’re questioning my sexuality! Damn it. Damn you, Anton. A month ago, Anton Chu invited me to his birthday party. He was my singer before when I was still a song composer. Hindi naman talaga ako palakaibigan, I was used with being alone. Sapat na sa akin sila End at Reggie bilang mga kaibigan ko. Pero minsan ay alam kong kailangan ko din namang makisama para magkaroon ng mga koneksyon. So, I went to that goddamn bar! I don’t even have any f*cking idea that Anton is gay! Wala naman akong pakialam sa sexuality niya, pero iba pala ang iniisip ng lalaking ‘yon dahil lang sa single ako. He thought I’m into him and tried to f*cking kiss me. May mga nakakuha ng picture na ‘yon at kumalat sa publiko. He’s a star. Pinagkaguluhan ‘yon at nadamay ako! Kahit itinanggi niya ‘yon, marami pa rin ang naniniwalang may relasyon kami. Kung maibabalik ko lang din ang panahon, dapat pala hindi ako pumayag na ipakanta ro’n ang isa sa mga gawa ko na siyang nagdala sa kanya sa kasikatang meron siya ngayon. I could easily destroy him now if I wanted to pero hindi pa rin no’n masosolusyunan ang problema ko! “Why don’t you check it out first? I’m telling you, this is a high end club. This isn’t a cheap one. May mga artista ding nagpapa-escort doon at pwede kang mamili sa kanila. They were trained–” “Paano mo ba nalaman ang lugar na ‘yan?” pagdilat ko at pinutol siya sa pagsasalita. “Alam ba ‘yan ng girlfriend mo?” tinutukoy si Gemini na bago niyang karelasyon ngayon. Pero sa ilang buwan nila, para silang switch ng ilaw, on and off. “Oh come on, tingin mo sasabihin ko kay Gem? Eh ‘di hindi na naman ako tinantanan no’n. Napakaselosa pa naman no’n. Hindi pa ako nakakapunta ro’n, nabanggit lang ni Reggie noong nagkita kami sa Japan last month,” tinutukoy ang kaibigan naming si Reggie na nagtatagal ngayon sa Japan dahil abala sa bagong babae na pinopormahan niya. “Iyong chicks pala na pinakilala niya sa parents niya para tantanan muna siya, doon niya nakuha. Pinagpanggap niya tapos hindi naghabol sa kanya kasi nga trabaho lang.” Napailing-iling lang ako at hindi nagkomento pero nagpatuloy pa rin si End. “We could go there tonight, so we could personally check out–” “We? Gusto mo na talaga mapatay ni Gemini ano?” Umismid siya at lumagok ng alak sa baso. “I’m stressed.” “Gago. Hiwalayan mo kesa lokohin mo.” “Nah. She’s good in bed. Besides, pupunta ko ro’n pero hindi ako manloloko. Kahit na pinakilala lang siya sa akin ng mommy, I still respect her, Theo.” “Ah kaya pupunta sa club,” sarkastiko kong saad sa kanya. “Baka naman selos ka lang–” “Damn–” “Oh chill. Kung hindi ko lang talaga alam na nagka-girlfriend ka naman noon, maniniwala na akong type mo talaga si Anton eh,” pagtawa niya pero hindi ko sinabayan ang pagtawa niya at malamig lang siyang tiningnan. “Wala akong naging girlfriend,” walang emosyon kong saad. “Girlfriend mo na ako? Sinasagot mo na talaga ako!? Girlfriend na ako ni Theo! Ang supladong si Theo ay boyfriend ko na!” “Oh, talaga ba? Eh ano mo si Ka–” “Don’t mention that name or I’m really going to throw you out of my office, Endmond.” Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Bumuntonghininga ako at naisip na baka tama rin naman ang taong ito. I don’t want to lose this business deal. I grabbed my business suit and wore it. “Let’s go.” “Oh, saan?” nangingisi niyang tugon kaya tinaliman ko muli siya ng tingin. “Anong pangalan ng club na ‘yon?” tanong ko sa kanya habang nasa elevator na kami. “Belles and Saints.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
455.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook