RENES POV "Pwuah!! Haa... Hahaha! Nabusog ako dun ahhh..." sabi ko hahang tinatapik ang nakalobo kong tiyan dahil sa sobrang kabusugan habang ipinapang titinga ang stick ng barbeque sa akin ngipin. Naka relax akong nakasandal sa sofa at nakatitig sa close credit scene nang pilikula. "Ibang klase ka. Hindi ko naman alam na ganyan ka pala kasiba kumain. Saka muka kang batugan sa itsura mo ngayon, taliwas sa gusto mong makita sayo nang ibang tao na mahinhin, at pinong kumilos." Insulto ni Johan na nakaupo sa aking tabi. Nakaharap ito sa akin habang naka patong ang kanyang braso sa sandalan ng sofa na aming inuupuan. "Bakit, nasa loob naman tayo ng bahay mo ahh... Wala naman ibang nakakakita sa tunay kong ugali kundi ikaw lang. Tyaka diba dapat nga masaya ka dahil wala akong itinatago s

