LIAM'S POV Tanghaling tapat ngunit tahimik, malilim at presko ang paligid. Kasalukuyan kong kasama si Kuya Brando sa bahay dahil hinihanap nito si Tatay. "Wala po rito si Tatay Jack kaaalis lang po papunta sa bukid, Kuya Brando" "Ah ganun ba?" sagot naman niya at tila patuloy ito na nagmamasid sa paligid. "Parang ang tahimik yata? Nasaan na yung pinsan mong si Chris at si Pareng Dante?" pahabol na tanong naman nito. "Sila Chris at Tito Dante naman po ay nag Olongapo kaya ako lang po ang naiwan dito" sagot ko habang inilalapag sa mesa sa balkonahe ang pagkain na aking dala mula kay Johan. "Tara po kain tayo, Kuya Brando" pahabol na sabi ko. Nakangiti lamang ito sa akin at medyo ilang ako sa kanyang mga titig lalo na nang maalala ko ang mga pasimpleng paghipo na ginawa nito sa akin no

