Tanghali ng araw na iyon nang makaalis sila Tito Dante at Chris para pumunta sa Olongapo samantalang si Tatay Jack naman ay bumisita na sa aming bukirin na apat na milya ang layo mula sa aming lokasyan. Kasama ko si Rene sa harap ng bahay nila Aling Neneng, tulad ng dati ay naka summer dress ito yung bulaklakin na hanggang tuhod ang haba. Naka tali sa likod ang kanyang mahabang buhok at may bagong pitas na pulang rosas itong palamuti. "Portugal naman beshy! Sira na yata ang doorbell nila Aling Neneng Ehh.. Pasukin na kaya natin? Baka patay na yun ha?" irap na sabi ni Rene habang ipinapaikot ang mahabang piraso ng buhok sa kanyang bangs. "Loko ka yung bunganga mo" ngiti na sabi ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman alam kung may kinalaman nga si Aling Neneng dito sa pa barbeque nitong si

