2

1911 Words
  “Anak, tanghali na. Wala kang pasok ngayon, Venice?”   Umingut ingut pa ako mula sa pagkakahiga habang parang bulate akong pilit na umiikot sa aking higaan. Napakalalim na nga aking itinututulog at ang biglaang pagdating ni mama ang parang sumira sa lahat ng pangarap ko sa buhay! Sa panaginip ko, sinusundo na raw ako ng lalaking mag aahon sa’kin sa kahirapan! Nakadamit ito na para bang isa itong prinsipe, matangkad at mukhang matipuno! Kaya lamang ay nakatalikod pa ito sa akin at haharap pa lamang. Ngunit mukhang hindi ko na makikita ang itsura nito dahil dumating na ang bruhang sisira sa pagmamahalan naming dalawa – si mama!     “Buma- Ikaw!” gigil nitong turan sa akin. “Bumangon ka na sabi!”     “Aww! Aray naman, Ma!” irit ko ng kurutin ako nito sa aking hita. Sobrang sakit niyon at talaga namang nanunuot pa hanggang kalamnan. Ramdam na ramdam iyon ng aking katawan kaya naman hindi ko na napigilang hindi magprotesta.  "Bangon sabi!" Kinurot na naman ako nito at talagang hindi nagpapaawat. Nagising yata buong diwa ko sa gianwa ni mama! Hinatak hatak pa nito ang aking aking kumot kaya naman nagkakawag ako habang nakahilata roon. Para akong isda na nahuli sa dagat na nagpipilit makawala sa net na panghuli ng mga ito. Ang laki ko sanang isda kung nagkataon.      “Ma, ugh! Kaetibenissslang! Aghhh!” maging ako ay hindi na maintindihan ang tinuran. Sobra akong antok na antok kaya wala pa talaga sa katinuan. My mind is not even functioning well at this point. Ang iniiwasan ko na lamang ay iyong bigla kong mamura si maam dahil siguradong hindi lang hataw ang aabutin ko mula rito.      Akala ko naman ay hahayaan na muna ako ni mama pero nagkamali ako. Bakit nga ba ako umasa? Kahit kailan naman, ang aking ina ay hindi talaga paaawat. Hinampas hampas ako nito sa aking hita kaya halos maiyak akong lalo sa inis. Sobra pang sakit. Hampas yata to na walang halong pagmamahal e!   “Mamaya na, Ma! Hindi pa humaharap ang prinsipe ko e!”   “Batugan kang bata ka talaga, tumayo ka riyan! Prinsipe prinsipe ka dyan e hindi ka pa naliligo! Itutulak ka ng prinsipe mo dahil mabantot ka!” "Ma!" "Vhen!" Panggagaya nito sa akin na tinawag na rin ako sa aking palayaw. Bwisit na buhay to!   Kulang na kulang pa ang aking tulog lalo pa nga at halos alas tres na ako ng madaling araw dumating sa bahay. Sumasakit pa ang aking ulo at ramdam na ramdam pa ang bakas ng alak sa aking lalamunan. Mainit iyon at humahagod pa. Pakiramdam ko ay binibitak rin ang aking ulo sa sobrang sakit at pamimintig nito.   Kung bakit ba naman kasi sumama sama pa ako kila Brix samantalang alam ko namang sugapa sa alak ang mga iyon. Kahit pa nga nahihiya ako kay Ma’am Vanessa, sana ay gumawa ako ng paraan para makauwi pa rin kaagad. Hindi tulad nila, hindi kaya ng aking sikmura ang sobrang alak.   “Kasanalan mo ‘yan! Disoras ka ng umuwi! Bumangon ka riyan!”   “Ayoko pa!”   “Bu-mangon ka sabi!” may diin pa nitong turan kasabay ng mas malakas na hampas sa aking hita.   “Aray ko, Ma! Child abuse ka!”   “Matanda ka na! Linisin mo ang suka mo roon sa banyo! Kadiri ka!”   Kumunot ang aking noo. Sumuka ba ako? “Ma, sumuko lang ako kahapon pero hindi ako sumuka, Ma! Baka si papa iyon!”   Iminulat ko pa ng mas maayos ang aking mata at sinalubong nag nagbabagang tingin ng aking ina. Pakiramdam ko ay ihahagis ako nito sa bunganga ng kumukulong bulkan kapag hindi ako umayos.   “Nasa ibang bansa ba tayo ngayon?”   Natawa ako ng bahagya. “Hala si Mama, ambisyosa,”   Ngumisi ito ng nakakaloko. “O paanong sa Papa mo ‘yung suka e nasa abroad ang tatay mo? Isa, Venice! Bahala ka ngang mahuli sa trabaho. Sabi mo pa naman ngayon ang unang araw ng bago mong boss!”   Sa kanyang tinuran ay mabilis na nanlaki ang aking mga mata. Ang aking diwa na kanina ay parang babalik pa sa pagkahimlay ay tila sinabugan ng energy drink dahil biglang naging gising at handa na yatang mag Zumba dahil sa pagiging aktibo nito.   Daig pa ang kidlat na napatalon ako sa aking kama. Muntik pa akong bumagsak dahil sa nanlalambot pa ang aking mga binti. Kumapit muna ako saglit sa lamesa sa aking silid at hinintay na tumigil sa pag ikot ang aking paligid bago nagsimulang muling kumilos.   “Hoy babae ka! Hindi mo iniligpit ang pinaghigaan mo!”   Hindi ko na pinansin ang isinisigaw ng aking ina at nagtatakbo na patungo sa banyo bitbit lamang ang aking tuwalya upang makaligo na.   Nang matapos akong maligo ay mabilis akong dumampot ng damit na maisusuot. Halos magkanda dapa na ako sa pagmamadali dahil tanghali na.   “Venice, kumain ka muna!”   “Hindi na, Ma. Super late na ‘ko!”   Nagkakandirit ako sa paglalagay ng stockings ngunit nagulat ako ng pingutin ako ni mama sa tengga. Napasigaw tuloy ako ng ubod ng lakas, baka pati kaptibahay naming nagwewelga na sobrang ingay naming mag ina.   “Masama ang hindi nag uumagahan. Kumain ka. Tiisin moa ng sermon mamaya dahil kasalanan mo naman talaga. Tanghali ka ng gumising. Panay ka alak,”   Nilingon ko si Mama matapos ako nitong pwersahang paupuin sa harap ng hapag. Pinaningkitan ko to ng mga mata, “Ma, akala mo talaga nagluto ng masarap e itlog lang naman ‘to at saka tinapay. Pwede ko ngang baunin!”   Nginisihan ako nito ngunit alam ko naman na hindi rin ako mananalo sa aking ina kaya naman minadali ko na lamang ang pagkain. Minsan ay napapahinto ako dahil sinasamaan na naman ako nito ng tingin. Tumigil pa talaga ito sa paglilinis ng bahay para lang masiguro na kumakain ako.   Nang matapos ay mabilis kong kinuha ang aking mga gamit para makapasok na. By this time, iba na ang kabog ng puso ko. Twenty minutes na lang at male-late na ako. Sa traffic ngayon, malamang abutin ako ng isang oras sa byahe and that is very unacceptable.   Ni hindi ko na nagawang mag ayos ng mukha. Sa tricycle na rin ako nagsuklay. Nang makababa ay laking pasasalamat ko ng maabutan ko pa ang jeep na paalis. Mabuti na lamang at nakasingit ako sa pila at kaagad na nakasakay.   Habang nasa byahe ay panay ako dasal na sana ay hindi maagang pumasok ang bago kong boss dahil pag nagkataon ay bad shot ako panigurado. Nakalinya pa naman ako sa promotion. Baka akala nito ay hindi ako seryoso sa aking trabaho.   Nang makababa ako sa sinasakyang jeep ay halos madapa ako sa pagmamadaling makapasok sa mismong building.   “Ma’am,” bati sa akin ng isang gwardiya. Sinuklian ko ito ng ngiti bago nagmamadaling makasapasok sa elevator.     “Hala ka, Vhen,” salubong sa akin ni ate Sofia. May bitbit itong mga papeles na napakarami. Isinukbit ko ng maayos sa aking balikat ang dala kong bag at tinulungan ito dahil sa dami nitong dala.   “Aaanhin mo lahat ‘to, ate?” tanong ko rito. Mabilis itong napangiwi at hindi kaagad sumagot. Sa halip ay lumapit ito bahagya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad.   “Naku, bilisan mong mag log in, Vhen. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Xandro,”   “Huh?” taka kong tanong. “Ah, yung bago nating boss?”   Tumango tango muna ito hanggang sa makaabot kami sa kanyang lamesa. Inilapag ko ang mga dala naming mga papeles bago ako lumapit sa sarili kong desk para mabuksan ang aking computer. Mabilis ko itong binuksan para maka log in ako. At tama nga ang aking tantya. Na-late ako ng thirty minutes.   “Vhen, mukha kang dinaanan ng bagyo,” si Mayet.   “Bilisan mo. Kakausapin ka raw nung bago nating boss. Kinakabahan na kami dahil kanina pa siya rito. Siya yata ang nagbukas nitong opisina sa sobra niyang aga,”   “Hindi lang iyon, kilala niya tayo agad lahat. Mukhang pinag aralan niya ang mga portfolio natin.”   “Insecure pa kamo sila Brix dahil gwapo nga talaga si Sir, Kaya lang ay mukhang sobrang istrikto,”   Mabilis kong iniipit ang aking buhok at nagpolbo habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Sa hindi malamang kadahilanan ay sobrang kinakabahan ako lalo. Para akong natatakot na makita ang bago naming boss lalo pa nga at sinabi nila na hinahanap ako nito kanina pa. Hindi kaya papagalitan ako nito?   “Miss Martinez,”   Natigil kaming lahat sa aming ginagawa habang ako naman ay napaangat kaagad ng tingin. I saw someone unfamiliar standing a few meters away from us. Naroroon ito at nakatayo sa labas ng pintuan ng dating opisina ni Miss Vanessa. And that very moment, our eyes suddenly met.   Ang madilim nitong ekspresyon ang sumalubong sa’kin. At kahit pa bahagyang malayo mula sa akin ang kanyang opisina, hindi pa rin naging hadlang iyon para makita ko ng maliwanag kung gaano kaperpekto ang kanyang mukha. His brows were furrowed but that made him even more charming. Mapula ang kanyang makakapal na labi, ang kanyang ilong ay napakatangos na masasabi mong tila ba nalahian ito ng dunyo ng banyaga.   Sa di ko malamang kadahilanan, para bang biglang may bumayo ng malakas sa aking dibdib.   Maybe I was too nervous because I was late. Siguro dahil lamang doon.   “Come to my office, now!” dumadagundong nitong turan. Doon ay tila bigla ako nahimasmasan at mabilis na napatayo mula sa aking kinakaupuan. Ang agang may pagsigaw si mayor kaya naman mabilis rin ang naging t***k ng akign puso dahil sa sobrang kaba.    Mabilis itong nakatalikod at pumasok muli sa kanyang opisina. Kahit na nawala na ito sa aking paningin ay para namang attalon palabas ang aking puso sa loob ng aking dibdib. Bahagya ko pa itong nakita sa loob ng kanyang opisina.    Ako naman ay mas lalong nataranta.   “Bilisan mo na, Vhen. Pumunta ka na doon. Grabe naman, nakakatakot!” "Oo nga, pati ako ay kinakabahan na,"   Nagmamadali akong naglakad patungo sa opisina nito. Nang tuluyang makarating sa labas ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Kailangan ko ng lakas ng loob dahil para akong sasabak sa gyera. Matapos ang tatlong katok ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan.   Mula sa malayo ay kitang kita ko itong abala na kaagad sa pagbabasa ng kung anu anong papeles.   Mas lalo akong kinabahan. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa harapan ng lamesa nito   “Sir,” Kabado kong bati. Dahil ngayon ko pa lamang itong nakita ay sobra sobra ang aking naging kaba.    “Are you Miss Martinez?” turan nito na hindi man lang nag angat ng tingin. Nka focus lamang ito sa ginagawa ngunit hindi nakaligtas sa aking pandinig ang lamig sa tinig niyon.    “Yes, sir.”   “Good, now grab your things and go out of my office. I don’t want to have an employee who can’t come to work on time. You’re fired,” anito bago walang pakundangang nag angat ng nukha at sinalubong ang aking tingin. Ngayong nakita ko ito ng harapan ay mas lalo kong napatunayan na tama nga ang una kong obserbasyon rito. He is indeed handsome!    Kaya lamang ay parang may basong nabasag sa aking gilid at nabingi ako bigla nang mapagtanto kung ano ang kanyang tinuran.    Tama ba ang narinig ko?             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD