1

1688 Words
“Vhen, may pa-milk tea na naman sa’yo si Nathan. Kailan mo ba sasagutin ang pare ko?”   Napaangat ako ng tingin ng marinig si Brix, ang ka-trabaho ko habang inaabot sa’kin ang milk tea na araw araw ko yatang natatanggap mula sa kaibigan niya. Nasisira ang inaalagaan kong figure dahil sa regualar milk tea na padala niya.   Napakamot ako ng aking noo ngunit wala ring nagawa kung hindi tanggapin iyon. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, walang palya sa pagpapadala ng milk tea si Nathan, ang isa sa mga marketing assistant ng kabilang team. Apat na buwan na yata simula ng magsimula itong magtrabaho sa kumpanya at mula rin noon ay walang tigil ito sa panliligaw sa akin. HIndi ko alam kung ano ang nakita niya sa mukha ko e wala rin namang espesyal sa itsura ko.   “Wala bang ibang mabili si Nathan? Mananaba na si Venice sa kanya a!” si Ate Sofia na naglilinis ng kanyang kuko. Katatapos lamang ng aming lunch at nagpapahinga kaming lahat. We still have twenty minutes to spare bago kami bumalik lahat sa trabaho.   Kaagad akong binalingan ni Dom at inasar. “Namumula na naman ang pisngi ni Venice o! Kakulay na ng milk tea na paborito rin ng irog niyang si Nathan! Ayiee!!!”   “Sagutin mo na kasi!”   “Huwag niyo ngang kulitin si Venice! Alam niyo namang hindi pa nagkakanobyo ang baby girl natin na iyan!”   Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi dahil sa mga pang aasar nila. Nakakahiya talaga! Halos lahat sila ay alam na hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo simula noon. Well ang tsismosa ko rin kasi.    “Namumula ka na,” pansin kaagad ni Mayet sa itsura ko. Agad akong napailing bago pinaypayan ng kamay ang aking mukha. Daldalera ako pero kapag inaasar ang bilis ko rin namang mamula.   “Huwag nga kayo!” awat ko sa mga ito. Hindi ako sanay ng inaasar. Kaagad ay namumula ang aking pisngi at hindi ko iyon mapigilan. Wala naman akong gusto kay Nathan. Unang una, hindi ito mayaman. Isa lamang itong ordinaryong empleyado, taliwas sa pangarap kong makatuluyan.   Sino ba kasi ang hindi nangangarap na makaahon sa buhay?   Ever since a child, I had always wanted to be rich. Lahat yata ng karaniwang pangarap ng mga mahihirap ay pinangarap ko na. Pangarap ko ang yumaman – magkaroon ng mala-palasyo sa laki na bahay, magkaroon ng magarang mga sasakyan at mga damit na puro mamahalin at branded. Pinangarap kong magkaroon ng maraming pera. At higit sa lahat, pinangarap kong magkaroon ng mayamang lalaking magmamahal sa’kin. Lahat siguro papangarapin ng isang tao ay ipinagdasal ko na sa langit kasama na ang mga santo at magiging santo pa lang.   That’s the problem though, puro pangarap lang ang mayroon ako at wala akong kahit na anong lakas ng loob na gawin ang kahit anong bagay upang matupad iyon.   Nathan, he looks okay. Medyo gipit na katulad ko, may pamilyang binubuhay at nagsisikap para makaahon. In short, bagay kaming dalawa. But at the end of the day, he’s someone I am not envisioning myself to be with.   “Pero alam niyo namang hindi magugustuhan ni Venice si Nathan. Hindi siya mayaman,” makahulugang turan ni Miss Sofia.   Kaagad akong ngumiti. Doon din ay nalungkot ang itsura ni Brix.   Everyone knows about my preference dahil hindi ko naman inililihim iyon. Pinagalitan pa nga ako noon ni ate Sofia dahil masyado daw akong honest tungkol sa bagay na iyon. Pero hindi ko naman iyon ikinahihiya. Kahit sabihin nilang mukha akong pera, wala namang akong magagawa roon.   “Ito namang si Venice, gusto ng mayamang nobyo pero ayaw namang magpaligaw. Ayaw ring makipag date. Masyado kang masipag kaya ayan, malapit mo na kaming iwan dahil mapo-promote ka na!”   Umayos ako sa pagkakaupo habang sumisipsip sa milk tea na pinadala ni Nathan. Nagtext na rin ako rito kanina upang magpasalamat. Maka ilang ulit ko na itong sinabihan na huwag na akong padalhan ngunit masyado itong mapilit.   “Sayang lang naman po kasi,”   Nanlaki ang mata ni Dom sa naging sagot ko. “Ano’ng sayang? Ilang taon ka na kaya? Dapat nag e explore ka rin!”   “Palibhasa puro ka explore, Dom e,” balik ko rito na ikinatawa ng lahat. Kilala kasi ito sa pagiging babaero.   “Hayaan mo na lang ang mga ‘yan, pero alam mo. Bukas mag uumpisa na ang bago nating boss. Usap usapan na mayaman at gwapo raw talaga iyon!”   Napaingos naman si Brix. “Wala pa akong nakitang mas gwapo pa sa’min ni pareng Dom rito at ng tropa kong si Nathan,”   Binalibag ni Mayet ng lapis si Brix na kaagad rin naman nitong iniwasan habang malakas na tumawa. “Pangit pangit mo Brix. Nakakairita ka!”   “Hala, crush mo lang ako Mayet, huwag ka ng mahiya. Huwag kang mag alala, balang araw baka masuklian ko rin iyang pagnanasa mo sa kata- aray!!!”   Nauwi kaming lahat sa pagtatawan dahil sa naging bangayan ng mga ito. Bago matapos ang aming lunch ay nilapitan ako ni ate Sofia at Mayet.   “Ano ba ang balak mo riyan kay Nathan?”   Napakamot ako ng batok. “Sinabihan ko na po siya pero ayaw niyang tumigil,”   “Hindi mo talaga gusto?” nakangiwing tanong ni Mayet nasinagot ko naman ng iling.   “Grabe ka, Vhen, wala kang puso. Hindi mo man lang pinag isipan,” natatawa na lamang silang dalawa.   “Sabagay ay ayos lang naman. Dahil sa pagiging ganyan nitong si Venice, malapit na siyang ma-promote,” "HIndi naman po sa ganon," "Pero mapo-promote ka na.  Baka pag tagal ay hindi mo na rin kami kilala niyan,  ha?" mapang inis na turan ni Dom sa akin.   Inirapan ko ito bago sinimangutan.  “Ang pangit mo,  Dom!” Palagi kasi nilang biro sa akin 'yon. “Hoy,  Venice!  Huwag mo ngang nilalait itong mukhang to! Ang dami ng nagkagusto at naghabol rito ha. Sinasabi ko sa'yo,” “Pangit siguro taste nila,” “Ikaw ang pangit ang taste! Gusto mo kaagad mayaman e ang hirap ng humanap ng mayaman na kasing gwapo namin nila pareng Nathan,” “Isama mo naman ako dyan,  tol,” “Pati na rin si pareng Brix,” Nagkatawanan kaming lahat sa mga naging sagot nito.   “Ang kakapal rin ng mga apog niyo talaga.  Pati itong si Venice ay ayaw niyong tigilan sa mga pang aasar niyo.  Alam niyo namang madaling mainis itong alaga nating ito,” “Pero sobrang sipag naman ni Venice. Naunahan pa tayong ma-promote,” si Mayet na kahit pa nga alam kong hindi naman masama ang loob nito sa'kin ay nanghihinayang rin ito sa oportunidad.  Hindi naman kasi madali ang ma-promote kaagad lalo pa nga sa dinami rami namin ritong nagpapaligsahan para ma-promote.   Alam ko sa sarili kong isa sa mga dahilan kung bakit ako na ang mapo-promote kahit na mas matagal na sila sa kumpanya ay dahil na rin sa naging mga performance ng ads na hinawakan ko.  I know I did a good job but I know they did their best too. Hindi naman aabot sa magtatagal kaming lahat sa trabahong ito kung hindi namin pinagbubuti.  Ngayon ay nakalinya na ang aking promotion at naghihintay na lang ako ng transition. Sabi sa'kin sa HR, hinihintay na lang na malipat ang isa sa mga supervisor na napromote din at ako na ang papalit. Baka mga tatlong buwan siguro ay doon an rin ang simula ko. Hindi rin naman ako nagmamadali. Nag eenjoy pa akong magtrabaho kasama nila.   Itinapon ko ang ngayon ay ubos ng milk tea sa basurahan sa gilid ko. Nagkanya kanya na ring upo ang mga ito.   “Pero walang halong joke iyong tungkol sa bago nating boss. Baka siya na ang forever mo, Vhen. Malay mo!”   Napahagikgik si ate Sofia sa tinuran ni Mayet.   “Huwag niyo ngang dine-demonyo ang isipan nitong si Vhen! Isusumbong ko kayo kay Nathan!”   “Huwag ka ngang sumali sa usapan namin!”   Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin kaming magsipag trabaho. Ngayon ang huling araw sa opisina ni Ma’am Vanessa at ang balita ay anak raw ng may ari ng kumpanya ang pansamantalang papalit rito. Mas lalo lamang nakadagdag sa pressure ang isiping iyon dahil dalawang bagay lamang ang maaring mangyari. Una ay maaaring hindi ito masipag dahil nga laki sa luho katulad ng ibang mayayaman. Natural kasi sa industriya namin ang ganoon. Dahil mga anak mayaman ay gagawin lamang na tuntungan para kunwari ay mayroong experience bago makuha ang mataas na posisyon sa kumpanya. O kaya naman ay ubod ng istrikto dahil sobrang hands on sa lahat ng bagay.  Either way, I know I will do my best at my job.  Gayunpaman ay hindi ko maiwasang hindi mag isip.    Katulad ng sinabi nila ate Sofia, narinig ko rin ang balitang gwapo ito at mayaman, saktong sakto sa mga pantasyang prinsipe na palaging pumapasok sa aking isipan.   I have always dreamed to be saved by a prince. Hindi naman sa nasa panganib ako ngunit sino ba ang hindi nangarap ng maalwang buhay?   Kung sakaling makikilala ko ang aking prinsipe, siguro ako na ang magiging pinakamasaya at pinakamaswerteng babae sa buong mundo.   Sandali ay pumasok sa isipan ko ang lalaking iyon.   My new boss, ngayon na ba matutupad ang pinapangarap kong office romance? Naalala ko ang mga napapanuod ko sa mga drama. Ang exciting siguro ng mga eksena habang nakikipag date ka ng palihim. Iyong nagtatago ka sa mga tao?   Iwinaksi ko iyon sa aking isipan.   Imposible. Kung mayaman at gwapo iyon, imposibleng mapansin niya ako. Ni hindi nga ako marunong mang akit ng lalaki.   Natapos na rin naman ang trabaho naming lahat at taliwas sa nakagawian naming mag overtime, sabay sabay kaming lahat na lumabas para mag celebrate kasama si Miss Vanessa.   “Walang uuwi hangga’t hindi natutumba!” malakas na sigaw ni Brix.   Kung alam ko lang na ang inumang ito ang magpapahamak sa’kin kinabukasan, sinakal ko na sana si Brix ngayon pa lang.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD