Prologue
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong yan gaile??" Napatungo nalang ako sa tanong ni kuya graey. Hindi ko din alam sa sarili ko kung ito ba ang tamang gawin. Kung kaya ko bang panindigan ang desisyong ito.
Naramdaman kong lumapit sakin si kuya graey at bigla akong niyakap. Napahagulhol nalang ako ng maramdaman ko ang pagod, hirap at sakit na pilit kong tinago ng mga nakaraang araw.
"Alam kong mahirap sa ngayon gaile. Masyadong magulo ang lahat. Nandito kaming pamilya mo. Mom and dad are waiting for us. Wala ng atrasan gaile. Nagkakamali ang lahat ng tao. Ginusto man natin o hindi, wala tayong magagawa oras na magkamali. Bagkus, wag nating hayaan na magkamali muli. Matuto tayo sa mga pagkakamali natin. Masyado ka pang bata gaile. Kahit na anong mangyari. We will always be here for you" ramdam ko ang hirap sa pagsalita ni kuya. Ramdam ko ang hirap na dinanas ng mga kapatid ko dahil sa pagkakamali ko.
"I'm sorry for everything kuya. I'm sorry. Promise, kakayanin ko to. Thank you for protecting me kuya" kumalas na ako sa pagkakayakap kay kuya ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"O bakit kayong dalawa lang jan ang nagdradramahan? Isali nyo naman ako!" At dali daling tumakbo si kuya
Gian samin at hinigaan kami.
" You i***t! Pwede ba wag mo kaming daganan. Ang bigat bigat mo!" Inis na sambit ni kuya Graey habang tinutulak ito at sinasabunutan.
"Anong bigat?? Mas lamang nga ang pandesal ko sa kikirampot mong pandesal hahaha" natawa naman ako ng wala sa oras dahil hinili ni kuya graey ang pispis ni kuya gian na halos mangiyak ngiyak na.
"O kita mo. Katangahan mo lang pala makakapagpatawa kay gaile." Napangiti nalang ako sa sinabi ni kuya gian.
" Gaile don't you ever forget na nandito lang kami umaalalay sayo. Talikuran ka man ng buong mundo, kaming pamilya mo hindi ka namin pababayaan. Okay? " Napatango naman ako habang nakangiti ngunit may luha sa aking mga mata dahil nagpapasalamat ako sa diyos na sa kabila ng mga nangyari, may pamilya parin akong handang umalalay sakin sa kahit na anong pagsubok na darating sakin.
THE next morning, dria visited me to know what happened. Alam nya ang sitwasyon ko. I'm glad that i have her by my side aside from my family.
"Gaile what happened?" She asked worriedly
I told her what i saw that night and she can't believe it. Ilang taon nya ng kilala si Ryuu pero hindi sya makapaniwala sa ginawa mismo ng kanyang kaibigan. Not only her who felt betrayed by Ryuu but everyone the barkadas felt the same way too.
"I need to move on dria. Don't worry i'll call you and the barkadas every day but please don't tell him where i am. Please don't mention my name infront of him. Just tell him i'm gone. Please dria" napatango nalang si dria habang napaluha naman ako dahil ramdam ko ang sincerity niya sakin.
"I hope this won't affect our friendship dria. Thank you for being the sister i never had together with bri." She smile and hugged me.
Alam kong wala ng atrasan sa gagawin ko. This is my own decision. No one else to blame but me. loving someone doesn't mean you need to endure painful memories that is not worth enduring.