NAKASAKAY na ngayon sa sasakyan si Atello at Floura pauwi na sa mansion, kasama ang driver. Mataas ang biyahe pauwi kaya naman ay pagod si Floura pagdating. "Welcome, Master." Magaling na bati ni Aling Marie kay Atello, "At Ma'am Floura." Nginitian siya ni Floura at niyakap. Sabay ng umakyat sa sarili nilang kwarto ang dalawa, liliko na sana si Floura papunta sa kwarto niya ng hawakan ni Atello ang kamay niya at hinila siya papasok sa kwarto nito. Pagpasok sa loob ay sinara agad nito ang pinto dahilan para kabahan siya, hinarap siya nito. "B-Bakit?" Nauutal na tanong ni Floura ng titigan siya nito. "...You heard all. Did you?" Napalunok siya, may gagawin ba itong masama sa kaniya kung narinig niya lahat? "S-sorry pero hindi ko talaga plano ang making sa usapan niyo! Narinig ko lang

