NAGMULAT ng mata si Floura ng may marinig siyang kaluskos ng mga papel na inaayos, nakita niya si Atello na inaayos sa pagkakapatong ang mga documentaryo na trinatrabaho nito kanina at inilagay sa isang cabinet. Bumangon siya sa pagkakahiga, "Wide awake?" Tanong ni Atello sa kaniya na nakatingin na sa kaniya ngayon. "Oo." "Get up, may pupuntahan tayo." Tinagilid niya ang ulo niya, tila nagtatanong pero hindi siya sinagot nito. Pinatay nito ang ilaw at dumeritso palabas ng opisina. "T-teka!" Tumayo agad si Floura at tumakbo palabas ng pinto, sinirado niya muna ito bago sumunod kay Atello na nakasakay sa loob ng elevator. He press the button which lead to the basement, pagbaba ay nandun ang driver naghihintay sa kanila kaya sumakay na sila. HINDI alam ng dalaga kung saan ang kanilang

