NAGISING si Floura na wala na si Atello sa tabi niya, kinapa-kapa niya ang hinigaan nito. Malamig. Kanina pa pala ito na gising. Bumangon na rin siya at nag-ayos sa sarili bago lumabas ng kwarto, pagdating niya sa sala ay nakita na niya agad silang lahat, plus Atello na nasa kusina kumakain na rin almusal. Napansin naman siya agad ni Philix. "Good morning." Matamis na ngumiti ito sa kanya. "Morning." Bati niya pabalik. "Almusal na." Humila ito ng upuan na may nakahanda nang plato at kutsara-tinidor, naupo naman siya. "Salamat." Ngumiti ito pabalik. Napalingon si Floura sa paligid at merong napansin, "Sila Martin at Serin?" "Nauna na silang umuwi, nagkaroon ng emergency." "Ganun ba.." "Oo nga pala, diba sabi mo Janela meron tayo pupuntahan mamayang tanghali? Saan ba yun?" Tanon

