Weekend... NGAYON ang araw na pupunta sila Floura sa beach resort, nasa loob siya ng kwarto nag-iimpake ng mga damit na dadalhin doon, ng matapos ay agad siyang naghanda at lumabas. Sa harap ng pinto ay nag-aabang si Atello, wearing a plain white V-neck shirt and a brown tic-tac-toe pants. "Yan na ba dadalhin mo?" "Oo." Kinuha ng binata ang sariling bag nito na nasa paanan lang at sumakay sa loob ng kotse, nagtaka bigla si Floura ng sa driverseat ito umupo. "Ikaw magmamaneho?" "Don't state the obvious." Naiiritang sabi ni Atello bago pinaandar ang engine. "Anong nangyari sa driver?" "There was some kind of urgent issue came up, regarding his family." "Nagkasakit ba sila?" He glared at her dahilan para mapatahimik siya. Tumahimik nalang siya at tumingin sa labas ng bintana habba

