DUMAAN sila sa pinto sa kusina, papunta sa likod ng mansion kung saan merong nakaparada na van. Hindi nagsayang ng oras si Renji, pinaandar nito ang sasakyan sa sandaling nakasakay na silang lahat, papalayo ng mansion. Nakahinga naman siya ng maayos, nakalayo na sila mula kay David. Linapitan niya si Adeson na kasalukuyang nakahiga sa likod ng van, breathing with heave. "Kailangan natin siya dalhin sa hospital." Sabi niya. Umiling si Janela. "Mas mabuti sa bahay nila Tita Cassie at Tito Wart natin siya dalhin, merong silang private doctor." Pagdating sa paroroonan nila ay inalalayan ni Martin at Cad ang binata papasok ng kwarto, susunod sana ang dalaga ng pigilan siya ni Renji. "Sila na ang bahala sa kaniya, magpahinga kana muna." "Pero---." "Ganun parin ang mangyayari, wal

