MUKHA MISMO ni Angela ang nakita niyang naghehele ng isang sanggol. At kahit hindi niya pa man iyon nalalapitan ay batid niyang anak nila iyon na si Ada. Ngunit, walang kamalay-malay si Thunder na isa na lamang siyang kaluluwa at totoo ang kaniyang laman ng panaginip. Kung saan ay naroon naglalakbay ang kaniyang kaluluwa sa paraiso ni bathala. Ang lugar kung saan namamayani ang mga anghel at iba pang kaluluwa mula sa lupa. Samantala'y habang nasa lupa ang kaniyang katawan ay hindi niya naman batid kung paano siya namatay. Ang tanging natatandaan niya lang ay nagpahinga agad siya matapos ang buong araw. Malapad ang kaniyang ngiti habang humahakbang palapit sa kasintahan. Ang mukhang kaniyang na-miss pagmasdan. At sa sandaling tinatanaw niya si Angela habang karga nito ang kanilang anak ay

