PROBLEMADO PA rin si Gia sa susuotin bago pa man sumapit ang paglalim ng gabi. Wala rin siyang bahay na matutulugan kung kaya't no choice siya kundi ang matulog sa kalye ngayong wala pa siyang permanenteng tirahan. Pero hindi niya pa rin maiwasang isipin ang tungkol sa isang suspek na pumatay sa pamilya ni Thunder-- na nagngangalang si Rudolph Salazar. Laman pa rin ng isip niya ang naging usapan nila kanina. "May tao ba riyan?" Boses nito ang yumanig matapos siyang matunugan. At sa paghahanap nito ay hindi niya inaasahang magtatagpo ang mata nila. Saka siya tiningnan nito mula ulo hanggang paa. Kaya naman nanatili ang kaniyang kaba. "Asset ka ba? Kasi kung asset ka ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Natakot naman siya sa sinabi nito. Kaya agad siyang napailing. Hindi niya a

