Chapter 18: Behind The Camera

1700 Words

BIGO PA ring makuha ni Angela ang kaniyang kapangyarihan kay bathala kahit sa huli ay nanaig pa rin ang katotohanang mas matimbang ito sa puso niya. Dahil sa bawat araw na lumipas ay napagtanto niyang kailanma'y hindi siya nababagay kay Thunder-- sa kadahilanang hindi naman siya mortal. Kasalukuyan siyang nakatambay sa may paraiso nang marinig niya ang tinig ni bathala. Wala man ang presensya nito sa paligid ay nalalaman pa rin nito ang bawat ginagawa niya. "Angela." Sandali siyang natigilan bago pa man sumagot. "Po, panginoon?" "Pumunta ka sa aking kaharian dahil may mahalaga tayong pag-uusapan. " Isang tipid na ngiti at pagtango ang pinakawala niya. Nang makarating siya sa kaharian ni bathala ay nadatnan niya itong abala sa paglikha ng katawang tao. "Para saan po iyan, panginoon?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD