Chapter 21: Doubtness

1068 Words

SA KAARAWAN mismo ni Thunder ay sumakto iyon sa araw ng Linggo. Kaya naman walang dahilan para hindi makadalo ang lahat "Happy Birthday, Thunder!" masiglang pagbati nilang lahat habang bukod tangi lamang na hindi bumati rito si Gia. Pakiramdam niya kasi ay sa bawat araw na dumaraan ay niloloko niya lang ito. At para bang isang sampal sa kaniya ang gawain nito na pagbabalat-kayo noon. "O, mga baks, kain lang ng kain, ngayon lang 'yan!" masiglang sabi ni Rein. "Oo nga, at mamaya naman ay inuman!" sabi naman ni Felix. Dahilan para maghiyawan silang lahat. "Sagot na ng birthday boy, 'yan!" kantyaw pa ni Zander. At saka naman nitong inakbayan si Thunder. "Nga pala, susunod na lang daw ang aking Baby Bea, nagkataong mayroon silang group meeting, e." "Ayiee! Baby Bea talaga?" kantyaw naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD