bc

Altairavez Series 1:Diablo

book_age12+
956
FOLLOW
3.6K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Maria Giovanne Barzuelo has always been the pillar of her family, the diligent oldest daughter who balances hard work and kindness together with her positive energy and hope in life. She embraces her responsibility as the "ate" of her family without her parents pressuring her.

But everything changes when she transferred to Al Te Valle university, who belongs to the Altairavez family and where Devante Savedra Altairavez studies. A wealthy, arrogant bully with a sharp tongue and a penchant for mischief, Devante becomes her unwelcome rival. He enjoys annoying her, convincing himself that she's just a mere misplaced girl in his privileged world. But is this really just a simple cat and dog fight? Or is there something else going on between the two of them that both are unaware of?

chap-preview
Free preview
1
Gio's POV "Good morning Philippines!!!" Sigaw ko na halos marinig ng buong sambayanan. Hinagod ko ang buhok ko paligod at masayang nag tungo sa hapag kainan. "Good morning ma! Good morning pa! Good morning kuya! And... good morning bunso!" Isa isa kong bati sa kanila at isa isa ko rin na halik sa mga noo nila. "Si ate excited masyado.." Usal ng kapatid kong lalaki na may nakakalokong pang tingin sa akin. Napatawa ako ng bahagya. "Syempre naman kuya... napakagandang opurtunidad sa'kin na maka pasok sa school na 'yun." Ginulo ko pa ang buhok ng kapatid kong lalaki na mas nakaka babata naman talaga sakin. 'Yun nga lang ay siya ang nag-iisang lalaki sa'ming magkakapatid. Kaya kuya ang tawag namin sa kaniya. Ako ang panganay sumunod ang kapatid ko na si Zander at ang baby namin na si Cat.. pusa talaga as in Cat. "Sus! Naku baka excited sa gwapo si ate." Panloloko ni Cat at napa-irap naman ako pero pabiro lamang iyon. "Basta anak lagi mong pagbubutihan ang iyong pag-aaral. Pero 'wag mong masyadong pagurin ang sarili mo. Hindi naman masama ang paminsan minsan na mag-saya." Sabi ng aking ina saka ako inakbayan at hinalikan sa ulo. "At tsaka.." Biglang pumatong ang mabigat na braso ng aking ama sa aking balikat. "Huwag munang mag bo-boyfriend ha! Mag-aral muna.." Bignigyan ako ng ama ko ng pabirong tingin ng pagbabanta at napatawa ang aking ina. "Ikaw naman... bente uno na ang anak natin. Kapag hindi siya mag no-nobyo ngayon.. ay kailangan pa?Aba! Ayaw ko naman na tumandang dalaga ang anak ko." Depensa ni mama at tumango tango lang ako, sangayon sa sinabi ng aking ina. "Edi kung ganun.. pwede naman, ang akin lang ay dapat may panliligaw na maganap at siyempre dapat mabait at kaya kang ipagtanggol." Pabirong pinitik ng aking ama ang aking noo, pero masakit 'yun ha! "Siyempre naman pa. Aba napaka taas ata ng standards ng anak mo! Hindi pwedeng pwede na..dapat gwapo.." Simula ko at tumango sila papa. "Matalino.." "Matipuno.." "Siyempre.." Putol ng aking ina. "Masarap mag mahal." "'Yun siyempre importante yun." Pag sangayon ng aking ama. "At... maalaga.." 'Yun ang panghuli ko..gusto ko na pinapahalagahan at iniingatan ako. "Eh mayaman ate ayaw mo?" Tanong ni Zander at napatingin ako sa kaniya. "Hindi na mahalaga 'yun.. mayaman o hindi basta mahal niya ako." Sagot ko. "At tsaka..don't marry a rich person... be rich together. Mas gusto ko na sabay kami magtatagumpay kaysa successful na siya tapos ako hindi." Dagdag ko pa.. "Aba! Magiging successful din naman na ang anak ko ah! Maganda, matalino, at siyempre masipag. Nakapasa din sa isang magandang unibersidad!Hindi pa ba magiging successful 'yun?" Proud na sabi ng aking ama. Sanay na ako sa ganito, sa bawat araw na sobrang saya ng aking pamilya. Sobra akong nagpapasalamat sa nasa taas dahil binigyan niya ako ng masayang pamilya. Sa gusto ko man na makipag kwentuhan pa kila mama ay hindi na pwede, 7:30am na.. 8am ang time sa school kaya kailangan ko nang umalis. "Ma, pa kailangan ko na po umalis. Bye Bye! 'Wag makulit kila mama ha!" Hinalikan kong muli ang ulo ng mga kapatid ko at niyakap muli ang aking mga magulang bago umalis. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa malapit na hintayan ng jeep sa amin. Buti na lamang at saktong pag dating ko sa waiting shed ay mayroon nang jeep na nakaparada. Kaya dali dali akong naglakad at sumakay. Nang makasakay ako ay nakahinga ako ng malawag. Napasandal ako at bahagyang ini-unat ang binti ko. Medyo nakabukaka din ako pero ayos lang, nakapantalon naman ako at walang masyadong maraming tao. "Al Te Valle po, isa." Ani ko habang ini-aabot ang bayad. Natapat kasi na andito ako sa may pinto pero ayos lang, gusto ko nga 'yun eh. "Oh, Al Te Valle, Al Te Valle, Al Te Valle." Sigaw ng driver agad akong napatalon pababa ng jeep. Tumawid ako ng pedestrian at doon ay nakita ko ang malaking gate ng Al Te Valle. "Wow~" Manghang mangha kong usal. Napakaganda at napakalaki ng gate. Para bang isang malaking palasyo ang papasukan mo. Mula rin sa kinatatayuan ko ay kitang kita ang loob ng unibersidad. Napakaraming tao sa loob at mula sa malayo ay halata na mayayaman sila base sa mga damit na suot nila. Mga kutis, gamit, at maski kulay ng buhok ay kakaiba. Sa amin kasi, brown black lang ang madalas na bilhin ni papa na pang-kulay sa buhok nila ni mama. Ubanin na kasi sila parehas. Tapos yung isang kahon na 'yon paghahatian pa nila. "Excuse me!" "Ay bayawak!" Napasigaw ako nang muntikan na akong mapadaplag sa sahig. "Ayan kasi, paharang harang sa daan. Hoy miss, hindi sa'yo 'tong university. 'Wag kang mag-asta na solo mo ang daan!" Pagtataray ng dalaga. "Oo nga!" Usal ng katabi niya. "Mukha ngang ni pang-bili ng magandang bag wala ka. Tabi nga! Low life." Ani ng babae na bumangga sa akin. Umirap pa ito bago naglakad papalayo. Kunot noo ko lang silang tiningnan paalis. At nang wala na talaga sila ay nagsimula kong gayahin ang mukha ng babae kanina. "Ayan kasi,paharang harang sa daan." Pangaggaya ko. Napairap ako. "Tse! Bayawak!" Dev's POV "For Pete's sake kuya Dev, lumabas kana jan. Ma-lelate na tayo! May mga bagong students sa school. I need to invite them to our club as soon as possible kung hindi ay baka makuha pa sila ng iba." Rinig ko ang inis sa boses ni Franz but I just chuckled before getting my bag and opening the door. "Do you know what time is it kuya? Its quarter to eight and we have to get to school by 8am!" Franz sigh immediately he know what he have done. He always do this raise his voice to me even I'm older than him. "I'm sorry kuya, I shouldn't have raise my voice at you.. but.. let's just go." He calmly said then leave my door. I walked down the stairs only to see our youngest at the sofa doing some science stuffs once again. "Hey Mile..what are you doing?" I asked, he looked up and immediately fix his stuffs as he saw me. "Nothing kuya, just some science project we had last sem." He said then fixed his glasses and get his bag. "Where's Franz?" I asked. "Probably at the van already." Mile answered but also shrug. "Lola.. we're leaving now." I shouted inside the mansion. Asan nanaman kaya si lola? Ang laki laki ng mansion ehh nag gagala pa. "Sige apo! Just remember that your parents will be here later. Be sure to be home early." I heard her answer from the kitchen. "Of course lola.. bye take care!" That's the last words I said before following my brothers inside the van. "May dadaanan pa po ba kayo Sir?" Tanong ng driver. "I like to get some- "No, please bring us to school as soon as possible." Franz said emotionless then look back at his laptops once again. I shrug and chuckled I look at Mile but he only shook his head but also laughing. "Kuya please stop laughing, it's not funny.." Franz said without looking away from his laptop. "Sabi ko ba na may nakakatawa sa sinabi mo?" Patay malisya kong sagot. Wala naman kasi talaga akong sinabi na natawa ako sa sinabi niya. "Stop making me a fool kuya. I know you're laughing because of what I said." He said.. My gaze suddenly, out of nowhere travel to Franz's arm. Nakaka inis lang.. ang puti ni Franz tapos ako maitim. I mean hindi naman talaga totally black it's just because I always practice and play basketball lagi akong nabibilad kaya ayun. My skin tone is dark, kayumanggi ang kay Mile then mine is darker but Franz's is white. "Andito na po tayo Sir.." Anunsyo ng aming driver. "Finally!" Franz leave at the other side of the van,at pag baba namin ni Mile ay hindi na namin siya nakita. "Asan na si Franz?" Tanong ko kay Mile.. he look around and just shrug. "Hayst! I'll be going now Mile.. see you later at home.." Kumaway ako sa kaniya but Mile called me. "Aren't mom and dad going home later? You're not going home with us, kuya?" Nag tatakang tanong ni Mile. "Titingnan ko.. now I have to go..bye!" I wave my little brother goodbye before going to our classroom. As I enter our classroom it's the usual except that may naka upo na sa tabi ng bangko ko. Wala naman talagang sitting arrangement it's just,Wala umuupo sa tabi ko. Sa Isang Devante Savedra Altairavez. "Ay butiki!" Nagulat ako sa naging asal ng bago kong katabi na sigurado ako ay hindi tatagal. Napa igtad siya sa gulat ng ibagsak ko ang bag ko sa bangko. "You are?" I raised my eyebrow while looking at her. I eyed her from head to toe. She looks like a simple girl. Easy to get, and easy to shoo away. "Maria Giovanne Barzuelo." She smiled at me then reach her hand forward expecting me to accept it? I get it, she's another social butterfly, sa tingin niya madadala ako ng mga pingiti ngiti niya? "Pfft!" Napatawa ako hindi to tatagal dito. I bet maya maya lang ay magkakanda alis ng bangko niya to. Get ready with me Ms.Barzuelo Cause I'll make your life hell, cause you may be a butterfly, but I am the devil.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
555.5K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
778.7K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook