Gio's POV Lumipas ang kahapon at labis ako doon natuwa. Aaminin ko na kahit kwarto lang ni Dev ang niliinis ko ay nakakapagod pa rin. Bakit ba naman kasi napaka dumi sa gamit ni Dev? Ang g**o-g**o ng kwarto niya at napakalat kahapon. Kaya nang maka-uwi ako ng alas kwatro ay nakatulog daw ako ayon kay Zander. Totoo naman dahil alas syete na nang gabi ako nagising na suot-suot pa rin ang damit na suot ko sa paglilinis. Amoy pawis na iyon at ang dumi. Kaya nakakadiri isipin na naihiga ko iyon sa kama ko. Nagdumi tuloy ang kama ko. Pagkain ko kagabi ng hapunan ay naglinis na ako ng katawan at natulog. Buti na lamang sa kabila ng pagod ko ay nagising pa rin ako ng maaga kanina. Kaya nakapag luto pa rin ako. ‘Yun nga lang ay hindi kasing sarap ay dami katulad ng kahapon. Nagmadali na rin kas

