15

1689 Words
Gio's POV Akmang tatakbo na ako nang biglang namatay ang ilaw. Nag simula na akong kabahan at mangiyak. Katapusan ko na ba?! Kukunin na ba ako ni lord?!! Gusto ko pang manood ng practice nila Ian at Vernon Eh! Kung kukunin na ako ni Lord, paano na si Vernon?! Wala na siyang maganda katabi?! May narinig akong naglalakad patungo sa direksyon ko, nangilid na ang mga luha ko at handa nang tumulo. Mas lumapit ang tunog ng sapatos na papalapit sakin. Kusang umurong ang paa ko sa bawat hakbang na maririnig ko. Bawat urong ko ay bawat tunog ay siyang pag bilis ng t***k ng puso ko. Hanggang sa mapa dikit ako sa blackboard. s**t Mamatay na ako! Niyapos ko ang sarili ko. What If r**e 'to?! No! Sa mapapa ngasawa ko lang ibibigay ang bataan!! Nanigas ako ng tumigil ang presensya sa harap ko. Madiilim talaga, at wala akong makita. Biglang natahimik ang paligid, tanging hinga ko lang at hinga ng kung sino man ang naandito ang naririnig ko. "Wag kang maingay." Natigilan ako sa sinabi ng lalaki . Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. s**t!Mawawala na, mawawala na siya, ang pagka bataan ko. Kukunin na ng hayop na 'to. "W-Wag po.." Ungot ko,ayaw ko pa mamatay. 'Wag naman sana, pero kung mapapag samantalahan ako dito, masakit daw 'yun. Sa oras na pumasok ang ano sa ano mo ay para lang pinupunit. Hindi ko kaya! "HAHAHAHHA bwiset! Anong pinag sasabi mo Gio!!?" Nanlaki ang mata ko.. ang boses na iyon. Umalis sa harap ko ang hayop at biglang lumiwanag ang paligid. "W-Wag po.. hahahhaha janep ka Gio!" Hagalpak ni Dev.. bwiset kang diablo ka! "Hayop ka! Hayop! Ang sama-sama mo talaga! Tangna ka!" Himanpas hampas ko siya ng malakas. Hayop na 'to! Mamatay ako sa nerbyos! "Aray!- Uy!- Tama na!- Ano ba?! Masakit!Hoy!" Biglang nanlaki ang mata ko nang isinandal niya ako sa pader habang hawak ang magkabila ng kamay ko sa gilid ng ulo ko. "Tumigil ka Gio.. kung hindi magkaka lintik-lintik tayo dito. "natigilan ako, anong sinasabi niya? May balak ba siyang? "Sige na.. umalis kana." Biglang naging masungit ang ekspresyon niya. Para na rin siyang si Franz.. masungit. Pinakawalan na din niya ang magkabila kong pulso. Gaya nang sinabi niya ay naglakad na ako palayo sa kaniya, bakit parang bawat hakbang ko ay may mabigat ako nararamdaman. May bagay na dapat akong itanong sa kaniya at dapat niyang masagot. Pero parang bakit mahirap? Mahirap na itanong iyon.. dahil bakit parang mali, mali kung itatanong ko. Panandalian ako natigilan at nag-isip. Kung hindi ngayon ay kailan ko tatanungin? Halos mag iisang buwan na siyang wala sa klase namin at ngayon ko nalang ulit siya nakita. Hindi ko alam kung kailan ulit kami mag haharap. Kung hindi ngayon ay kailan Gio? "T-Teka.." Bigkas ko at humarap sa kaniya.. siya naman itong naka pamulsa at naka tingin lang sakin. "B-Bakit.. bakit wala kana sa klase namin? Tsaka ang dad mo? Kamusta na?" Lakas loob kong tanong. Nakaka panghina kasi. Parang mali kung tatanungin ko pero kailan kong malaman. Utay-utay siyang naglakad palapit sakin. Bawat hakbang niya palapit ay mas lalong dumadagdag ang kaba ko. Bakit Ganito? Tumigil siya sa mismong harapan ko, ang mukha namin ay iilang pulgada nalang ang kayo sa isa't isa. "Labas kana dun Barzuelo.. tutal masaya ka naman na wala na ako sa tabi mo. 'Wag ka nang mag panggap na nag-aalala ka, dahil alam ko naman na ang totoo ay tuwang tuwa ka na hindi na ako malapit sa 'yo." Matigas niyang turan, halos bawat salita ng binibitawan niya ay may diin. Bakit parang galit siya? Bakit parang hinanakit pa niya na nag aalala ako? Oo inamain ko na galit at inis na inis ako sa kaniya. Pero bakit ganun? Bakit parang kasalanan ko na mag-alala sa kaniya. "Wag kana ulit mag papakita sakin." 'Yun ang huli niyang sinabi bago iwan ako sa abandonadong classroom. Bakit ganun? Bakit parang masakit? Bakit ka nag kaka ganiyan Gio?! Ano bang nangyayari sayo?!? Huminga ako ng malalim at umalis na rin dito. Nang maka balik ako ng classroom namin ay iilan nalang ang estudyante. Pero si Ian aT Vernon ay nasa loob pa rin. "Ano ba 'yan Gio! Kala ko kung napa-ano kana, e!" Inis na turan ni Ian at itinago na ang phone niya at tumayo. Wala sa sariling kinuha ko ang bag ko at nanatiling nakatayo. "Okay kalang Gio? Something wrong?" Alalang tanong ni Vernon.. napa baling ako sa kaniya at ngumiti. "Of course Vernon I'm fine. Tara na may practice pa kayo." Turan ko at tumango siya at ngumiti. Nag tungo na kami sa music room at andun na din ang iba nilang kabanda. "Oy Ian! Sino 'yan?!" Tanong ng isang lalaki na hawak-hawak ang gitara. "Tumahimik ka! Kaibigan ko 'yan!" Sagot ni Ian at umupo na sa likod ng piano. "Kaibigan mo pala pakilala ko naman kami." Ani ng isa, na upo nalang ako sa bangko malapit sa pinto. "Guys behave, baka ma uncomfortable si Gio. Papanoorin niya tayo ngayon.. siya ang audience natin." Turan ni Vernon na nakatingin sakin at ngumiti. Shit Vernon 'wag ganiyan! Maiihi ako sa kilig eh! Nagsimula nang patukin ng miyembro nila na drummer and hawak niya na drumsticks sa isa't isa. "1..2..1...2...3 go!" Dami Pang Gustong Sabihin Ngunit 'Wag nalang muna Hintayin Nalang ang hangin Tangayin ang salita Naka titig lang ako sa maamong mukha ni Vernon habang umaawit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing makaka isip ako ng senaryo na kasama mo si Vernon at masaya kami. Wag mo akong sisihin Mahirap ang tumaya Dagat ay sisisirin Kahit walang mapala Napa tingin siya sa 'kin at ngumiti, halo-halong emosyon ang nadama ko. Sumabog ang saya sa sistema ko at parang mababaliw na ako dito maya-maya. Pag nilahad ang damdamin Sana di magbagong pag tingin Aminin ang mga lihim Sana Di magbagong pag tingin Nang matapos silang mag practice ay nag simula na silang mag impake ng gamit nila. Ako itong nakatunganga lang kay Vernon mula sa malayo. Hinding hindi ko malimutan ang kanina niyang mga ngiti habang umaawit. Nakaka humaling ito. Parang bawat salitang lumalabas sa mga labi niya ay talagang mula sa kaniyang puso. Hindi ko lang talaga mapiliwanag ang saya na nararamdaman ko. Kung ganito lang araw araw ay baka tuluyan ako mahulog sa kaniya. "Uyy Gio tapos na kami.. hindi ka uuwi?" Nagising ako sa katotohanan ng biglang sumulpot si Ian sa harap ko kasunod si Vernon na nakapamulsa. "Sira kaba?! Anong gagawin ko dito?! Siyempre uuwi na rin ako!" Inis kong turan at tumayo .Lumabas na kami ng music room at sabay-sabay nang naglakad. "Gio may dadaanan pa ako, hihiwalay na ako sa inyong dalawa ha! Alex ingatan mo 'yang kaibigan ko!" Sigaw ni Ian habang tumatakbo. Kami naman ni Vernon ay naiwang tumawa doon "Ikaw ba? May dadaanan kapa?" Nahihiya niyang turan at napa kamot sa batok niya. "Wala naman na.. ikaw?" Tanong ko at umiling siya tumango ako at naglakad na ulit kami. "Ano ba talaga itatawag ko sayo? Vernon? Alex? Or Alexander? Baka kasi tinatawag kitang Vernon pero ayaw mo naman palang tawagin kitang ganun." Naiilang ko turan.. sa wakas ay natanong ko na rin ang bagay na ito. "I don't really mind, ikaw bahala. You can call me whatever you like, you can give me a new nickname if you like." Nni niya at nag kibit balikat pa. Napaka gwapo talaga niya.. nag pout pa siya ng kauntian na mas lalong ikina gwapo niya. Seryoso ba siya?! Pwede ko siyang gawan ng nickname? Baby? Honey? Honeybunch? Sugar Plump? Honey bunch sugar plump sweetie pie Mr.Right icing sa ibabaw ng cupcake ko. Ito kaya? "Wag na, Vernon nalang. Mas sanay ako dun." Sagot ko. Bwiset! Hindi ko siya kayang tawagin ng ganun. "Chaaang!" Napasinghap ako, bakit? Bakit kailangan masira ang moment ko with Vernon?!? "Chang Gio- Oh hi Alexander." Pag papa-cute ni Pollyn kay Vernon "Hi Vernon.. bawiin na namin si Chang Gio bye bye!" Ani ni Rio at hinatak na ako. Habang hinahatak nila ako ay panay ang lingon ko kay Vernon na tumatawa at kumakaway, napa kaway nalang din ako. Nang makalayo kami ay nagpumiglas kayo. "Ang sama niyo.. alam niyo ba na moment na namin 'yun, e!" Pagmamaktol ko, ang dalawa naman ay nagkatinginan lang "Bakit? Gusto mo si Vernon?" Tanong ni Rio, napa isip ako bigla Gusto ko na ba talaga siya? Hindi pa naman na kukumpirma ng sarili ko ehh. "Awan... Oo.. baka..Hindi ko alam." Ani ko at muling nagkatinginan ang dalawa. "Eh paano si Kuya Dev?" Natigilan ako bigla sa tanong ni Rio, bakit? Anong meron kay Dev? "Wala naman kami ni Dev ah.. bakit siya nadamay?" Taka kong tanong. Eh galit na galit nga ako sa diablo na 'yun. PaAno magiging kami?! Bwiset! "Chang kumakalat na kasi sa school.. na may nakakita na magkasunod kayong lumabas ni kuya Dev sa tambayan ng mga Altairavez Tapos pawis na pawis ka at parang umiiyak, kaya maraming mga issue na may.. may nangyari sa inyo." Nalaglag ang panga ko at napatulala kay Rio. "Hindi 'yon totoo! Putangina naman! Ano ba 'yan!Nakaka-inis! Hindi 'yon totoo! Naligaw lang ako dun, tapos pumunta rin siya! Ah!" Sigaw ko na nag eeskandalo, agad akong dinaluhan ng dalawa. "Okay na Chang, naniniwala na kami. Aam ko naman na galit ka kay kuya Dev, e. Okay na.. 'wag kana mag eskandalo, tama na." Ani ni Pollyn at napa kalama ako.. napa tingin ako kay Pollyn na hinihimas ang braso ko. 'Yung Cookies! "Hoy babaeng Salvattiera! Bakit nga pala may pinabibigay sayo ang bunsong Altairavez, ha?!?" Kinuha ko ang cookies na nasa bag ko at ini abot sa kaniya.. tinanggap niya ito pero bakas sa mukha niya ang gulat. "S-Si Mile ang nag papanigay nito?" Nauutal niyang tanong, biglang pumalakpak si Rio "Sure na! Sila ni Mile!" Ani ni Rio at agad tinakpan ni Pollyn ang bibig ni Rio. "Hindi kaya! Tunuturuan ko lang siya mag Tagalog. Parusa ko at nag iingay ako sa klase." Malungkot na turan ni Pollyn at bigla kaming humagalpak ni Rio ng tawa. "Ayan! Daldal pa Franchescka! Nakita mo na ang hinahanap mo!" Pang aasar ko.. bumusangot ang mukha niya. "Tama na nga 'yan! Umuwi na tayo!" Akit niya at wala na kaming nagawa kundi pumayag. Nahuhuli ako sa paglalakad nang may maramdaman akong kakaiba. Parang may nagmamasid sa 'kin kaya tumingin ako sa paligid. Sa basketball court ako biglang may naramdaman na kakaiba. Pero wala namang tao dito kaya nag kibit balikat nalang ako at naglakad na muli. Guni-guni ko lang siguro 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD