Gio's POV "Franz Altairavez.” Nang sabihin iyon ni Ian ay bigla akong hinawakan ni Pollyn sa braso at pinisil nto ng napaka sakit! "Aray chang!" Turan ko habang hawak ang kamay ni Pollyn, si Pollyn naman itong naka ngiti lang pero mukhang nag wawala na ang kalamnan sa loob ng katawan. Nakakatakot, pakiramdam ko ay sa sobra nitong nararamdaman na tuwa ay makakaya nito akong maibato sa ere. "Saan ba ‘yang bar na !yan?! Pumupunta ba lagi si bebe Franz dyan?!” Tanong ni Pollyn at sabay kaming napatawa ni Ian. "Madalang, sobrang dalang na andun siya. Kaya kung a-araw arawin mo dun ay mamumulubi ka muna bago mo siya makita. Tsaka..lagi mo naman siyang nakikita dito ah.” Paliwanag ni Ian at napa busangot ang mukha ni Pollyn... "Sayang naman, oras ko na sana para pormahan si bebe Franz.” An

