Gio's POV "Diba siya yung naka ban sa Altairity Cafe?" "Oo siya nga, binuhusan daw kasi ng frappe si Dev.." "Tanga ba siya?! Sila may-ari nun!" "Kahit itong school sila rin ang may-ari.." "Baka gusto talagang ma-expel kaya ginawa 'yon.." Napa-irap ako sa kawalan. Ang ganda sana ng pribadong paaralan na ito, 'yun nga lang ay nuknukan ng pagka chismosa ang nga estudyante. Maraming nakakakita sa ginawa ko kay Dev kahapon. Karamihan doon ay mga taga Al Te Valle University kung saan kami nag-aaral at ang pagmamay-ari ng mga magulang ng tatlong Altairavez. Agad kumalat ang chismis sa buong school maski sa social media. Maraming nagulat at marami rin ang nagalit. Pero paki hanap ng pake ko, wala! Mabait akong tao pero mabait lang ako sa mabait din sakin. "Look who's here, the one and

