~Lis~ "Anong gagawin mo ngayon, Alex?" Tanong ko na sinusubukang mapanatili ang kontrol. Gusto ko 'to, gusto ko talaga, pero 'pag gising ko bukas at tratuhin niya na naman ako na parang basura, hindi ko na kaya. Ang unang pagkakataon ay sariwa pa rin sa aking alaala. Huminga ako nang malalim. "Hulaan ko, dadalhin mo ako sa kama, magpapalipas ka ng gabing kasama ako, matutugunan ang lahat ng iyong mga pangangailangan, at bukas ay magigising ka na galit dahil naging mahina ka. Tapos, sasabihin mo na ako ay isang puta na walang kahihiyan, na ako ay mapanukso, na drinuga na kita. 'Yan na naman ang sasabihin mo, at ikakatwiran." Ibinaba niya ang ulo niya at huminga din nang malalim. "Sa tingin mo ba 'yun ang gagawin ko?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko, may kakaiba sa mga mata

