~Alex~ Alam mo 'yung moment na dapat manatiling tahimik kung nasaan ka? Nasa ganoon sitwasyon ako ngayon. Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod sa hirap sa pagsasanay, na ginawa ko para mailabas ang galit ko. Halos tatlong oras din akong nakatulog, pagkagising ko ay hatinggabi na. Napagdesisyunan kong lumabas ng kwarto para mamasyal sa garden. Sa kasamaang palad. Nasa elevator si Elizabeth kasama si Derik, ang babaeng ito ay talagang sinusubokan ang aking limitasyon ko, 'yun na 'yun lang. Niyakap niya ang tangang iyon, at sa hitsura ng kanilang mga mukha ay naglalampungan sila sa elevator. Hindi man lang nagawang maitinago ng maldita na iyon. "Ang pamamasyal ay mahusay Derik," sabi niya sa nakakatawang matamis na boses, habang lumalayo siya sa kanya. "Magkita tayo bukas." "Napakasayang

