LIS "Hindi mo alam ang sinasabi mo!" sigaw ko mula sa pintuan matapos marinig ang tahasang pagbibintang niya sa akin. "Wala kang karapatang husgahan ang mga opisyal. Hindi mo magagawa iyon." Nakaramdam ako ng matinding galit, at kalungkutan na marinig ang paratang niya sa akin ng ganoon, ngunit hindi ko ito ipapakita. "Hindi kita inaakusahan, nagsasabi lang ako ng totoo!" Tumingin siya sa akin ng masama, "Maaaring elegante ang pananamit mo, pero isa ka pa rin Bitch." siguradong wika niya kaya hindi ako nakaimik sa pagsagot. Alam mo ba 'yung sandaling naisip natin na dumating na ang panahon na magkaroon ng pinakahihintay na kaligayahan? Iyon ang naisip ko noong umalis ako para magtrabaho ngayon. Napakaraming plano ang ginawa ko, tuwang-tuwa ako na mananatili ako buong araw sa tabi ni A

