Prologue
“Love is one of the most profound emotions we experience as humans... It's bigger than us, meaning, though we can invite it into our lives, we do not have the control over the how, when and where love starts to express itself. May that's why 72% of people believe in 'love at first sight'... Sometimes, love truly does strike like a bolt of lightning to the chest, and you aren't prepared for it....”
Blah.. blah.. blah... Prof is talking nonsense again. Bigla akong napasinghap dahil sa naisip. Love? Tsk, love is just like having a headache, napakasakit sa ulo.
Napakagat ako sa sarili kong labi ng makaramdam ng pagka antok. No! Hindi pwedeng matulog ako dito ngayon.
My table is so cheap, ayukong maihiga ditong itong black long beautiful and perfect hair. And this professor Magdalena, also known as 'magnawalang asawa' ay closed sa mommy ko. I don't want mommy think, na isa lang akong bobong anak sa eyes niya.
“Nyka!”
Kumunot ang noo ng may bumanggit sa nickname ko. My face turn into mataray mood. Napalingon ako, bumalik sa pagkangiti ang mga labi ko ng makita ko ang bestfriend kong naglalakad patungo sa pwesto ko.
She's smiling like an idiot. I don't want it, she's wearing her psychopath smile again.
Inakbayan ko siya ng makalapit siya sakin. “Akala ko may ibang tumatawag sakin.”
Tumawa siya dahil sa sinabi ko. Ayukong may tumatawag na iba sa nickname ko, it's a sin. Charot. My family, and Calia lang ang pwedeng tumawag sakin sa nickname ko.
Tinitigan niya ako at ngumiti ng nakakaloka. “What!?” kunot noo akong nakatingin sakanya.
Calia is beautiful just like me, but sometimes Calia is a baliw. May saltik yung head niya, no! Hindi sa head niya, sa brain.
“Ang cute mo.” sagot niya ng nakangiti parin.
Kinurot ko ang kanyang tagiliran kaya napangiwi siya. “I know. Kindly please Calia, stop being a baliw. Hindi kita maintindihan, may damage na ba yang brain mo?”
And then she's laughing again. Yeah, she's right, I'm cute and also beautiful. Alam na alam ko iyon, hindi niya na pwedeng sabihin.
Nagtungo kaming dalawa sa cafeteria, kaunti lang ang tao na nandito ngayon, break namin kaya yung ibang students ata nasa gymnasium. May basketball game ngayon ang four teams ng school namin. Mas ginusto nilang manood sa mga gwapong naglalaro kisa kumain dito, tsk! Ang empty naman ng brain nila.
Napatingin ako kay Calia sa aking naisip. Nakayuko siya and she's eating her berry cake. Kinalabit ko siya kaya napaangat ang kanyang mga mata saakin. She's beautiful inside and out, but all the problem is her brain.
I cleared my throat. “May game siya ngayon diba? Bakit hindi ka nanood?”
Nilunok niya ang kanyang kinakain bago ngumti sakin. “Kanina pa kaya tapos ang laro niya... Nasa shower room na iyon, papunta yan dito mamaya.” sagot niya at tinuon ulit ang tingin sa kinakain.
She's inlove with food. While me? I'm inlove with myself. Nag coffee lang ako dahil ayukong tumaba, I spend for almost a month para lang makuha itong coca cola body na katawan ko ngayon. Sayang yung pawis ko, kung tataba lang ako.
Calia is my bestfriend since first grade. Hanggang ngayong college ay magkasama kaming dalawa. Magkapatid ang turingan naming dalawa, sandalan ang isa't isa kapag may problema.
Mahal na mahal ko itong kaibigan ko at alam kong ganun din siya.
“Calia!”
Napalingon kaming dalawa ni Calia sa entrance door ng cafeteria. Nakangiting mukha ni Kurt ang sumalubong sa paningin ko.
Kurt Joshua Dmitri, Calia's boyfriend. Matagal na ang relasyon nilang dalawa at third wheel ako parati. Kurt is wearing his jersey uniform. Number 19, monthsary nilang dalawa ni Calia.
Lumapit siya kay Calia at hinalikan ang noo nito. Tumingin siya sakin at ngumiti, tumaas lang ang kilay ko sakanya.
Umupo siya sa upuang katabi kay Calia. I just drink my coffee, at hindi na sila tiningnan pa. I'm not jealous, okay? I need money not boys. I don't f*****g care if I don't have boyfriend, andito naman sarili ko, may pera naman ako. Money is enough for me.
“Since panalo kami, date tayo.” dinig kong sinabi ni Kurt sa bestfriend ko.
Napaangat ako tingin at nagtama ang mga mata namin ni Calia. “It's okay, go on. Sa susunod nalang tayo magmall.” nakangiting saad ko.
Calia promise earlier na sasamahan niya ako magmall. Pero boyfriend niya ang kalaban ko dito ngayon, at alam ko namang minsan lang silang dalawa na magkasama. Ang araw na magkasama silang dalawa, kukunin ko paba? Hindi naman ako ganun ka killjoy para kunin pa iyon.
Lumapit siya saakin at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik. She's so sweet.
“Thank you Nyka, I love you so much.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
Tumayo ako at nagpaalam na sa kanilang dalawa na mauna ng uuwi. Alam ko namang matatagalan pa silang dalawa sa cafeteria dahil mag-uusap pa ang mga iyon.
Nagtungo ako sa parking lot ng school para kunin ang car ko. Black Mercedes Benz ang kotse ko, it's worth than 8 million pesos. Katabi ng car ko ang car ni Kurt, Mercedes Benz din, blue ngalang ang kulay.
Pumasok na ako sa mamahalin kong car at pinaandar ito, bago pa ako makalabas ng parking lot, nasilayahan ko ang kulitan at landian nila Kurt at Calia.
Napangiti ako, I'm happy for my bestfriend.
Tinapon ko agad ang aking sarili sa sofa pagkapasok ko sa condo ko, no! Condo naming dalawa. Yeah, I'm married last year, secret married. Exclusive lang sa aming mga magulang ang kasal namin. My parents, his parents, the judge and the assistant of judge, ang naka saksi ng kasalan naming iyon. For company proposes only, para maisalba ang kompanya ng asawa ko.
We don't love each other, alam iyon ng mga magulang namin. Pero wala silang pake doon, kung company na nila ang pag-uusapan.
Pumikit ako at dinama ang lamig ng hangin galing sa aircon. I don't want this bullshit life, pero anong magagawa ko? Kung wala ang pera na galing sa mga magulang ko, wala ako nitong mamahaling bagay na pag-aari ko.
From clothes, bags, shoes, accessories, cosmetics at pati kinakain ko ay galing sakanila.
Bumukas ang pintuan ng condo ko kaya napalingon ako doon, umayos ako ng upo ng masilayan ang mukha ni mommy. Mataray na tumayo siya sa harapan ko, bitbit niya ang kanyang bag mula sa sikat na brand na Dior.
Nilibot niya ang kanyang mga mata sa loob ng condo namin. “Where's your husband?” mataray niyang tanong.
Napalunok ako. Naku! Ano sasabihin ko?
Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang kanina pang hinahanap ni mommy. Napahinga ako ng maluwag ng magtama ang paningin naming dalawa. Muntikan na.
Lumapit siya saamin at kunot noong tumingin sakin. “Mommy.” ramdam ko sa boses niya ang kaba.
“Bakit ngayon kalang?” taas kilay na tanong ni mommy sakanya.
Hinawakan niya ang braso ko ng palihim, hudyat na humihingi siya ng tulong mula sakin.
Huminga ako ng malalim at matamis na ngumiti. “Mommy may game siya ngayon, kaya nauna akong umuwi sakanya. Nasa shower siya ng umuwi ako, kaya nagtext nalang ako sakanya. At tsaka andito naman siya ngayon mommy kaya, no need to worry na.”
Napabuga ako ng hangin sa haba ng sinabi ko. Sana naman, maniwala siya. Nag-isip talaga ako ng husto dyan, my god, my brain cell.
“Ayusin niyo ang pagsasama niyong dalawa.” tinalikuran kami ni mommy ng sabihin niya iyon.
Lumabas siya at sinara ang pinto. Napatingin naman ako sa pinto na iyon, wala na si mommy, hindi na kaylangan ng pagpapanggap.
Lumayo ako sakanya at ngumiti ng matamis. “Wala na si mommy, you can go now, ako na bahala.”
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hinayaan ko na lamang siya.
“Thank you Eunyka.” masayang aniya.
Kumalas siya sa pagyayakap sakin at ngumiti ng matamis. Tuwa ang nakikita ko sa kanyang mga mata.
“You're welcome, Kurt. Go now, Calia is waiting for you.” saad ko at lumayo ako sakanya at umupo ulit sa sofa.
Ngumiti siya at patakbong tumungo sa pintuan ng condo. Binuksan niya ito at excited na lumabas.
Napawi ang ngiti sa aking mga labi. I'm alone again, again and again.
Yes! Kurt is my husband, at walang alam doon si Calia. She doesn't know anything.
I'm married sa lalaking mahal na mahal ng bestfriend ko. Mahal niya si Kurt at alam kong mahal din siya ni Kurt. Nakikita ko sa mga mata niya, sinasabi ng mga mata niya kung gaano niya kamahal ang bestfriend.
Gusto kong sabihin kay Calia pero paano? Ayukong magalit siya saakin.