Sa nakalipas na mga araw ay nagawa kong layuan siya. Hindi ko hinayaang makalapit o magkita kami. Tama ang ginagawa ko kaya ipagpapatuloy ko ito. "Lift your feet idiot! Ang dali lang umaarte ka pa!" halos mapatalon ako sa pagkarining ng boses ni Kedz na kasalukuyang naghehensayo. "Hoy bakla ka huwag mo akong masigawan ah! Aba ginagawa ko naman ang mga sinasabi mo!" inis na sabi din ng babae. Her name is Neriya. Siya ang sinasabi ni Ms. Shania na magaling din sumayaw gaya ni Kedz. "Ilang oras na tayong naghehensayo at nakakairita na ang pagdikit ng katawan mo sakin!" lihim akong napangiwi. Sa isang linggo na lumipas na magkasama sila halos magpatayan sila. Parang palagi nalang may gera. "Naaalibadbaran akong nakikita ang mukha mo araw araw! It's a torture to me!" "Wow ah! Nahiy

