Hinayaan kong guluhin ng hangin ang buhok ko habang nakatanaw sa malawak na karagatan. The beauty of the water calms me. Ito ang kailangan ko dahil pakiramdam ko unti unti akong tinatakasan ng sarili kong katinuan. Hindi matapos ang takot, maraming gumugulo. At alam kong kapag nagpatuloy ay magkakaroon ng pagbabago sa sarili ko. "Bakit nag-iisa ang isang magandang binibini dito?" mabilis na dumako ang paningin ko sa likuran dahil sa pamilyar na boses. "Sir Siegred." usal ko ng huminto siya sa harapan ko. "Elaina just Siegred, remember? Wala tayo sa trabaho ngayon." pagtatama niya saka umupo sa tabi ko. Umurong pa ako ng bahagya para hindi masyadong magdikit ang katawan namin. Baka may makakita samin at kung ano ang isipin. Nakakahiyang mapagusapan siya ng mga tao dahil sakin.

