I gently moved but I couldn't. I can feel the pain all over of my body. Pagmulat ng mga mata ko ay ang kulay puting kurtina ang sumalubong sa akin. May masakit sa bandang ulo ko pero sinubukan ko pa ring pagmasdan ang paligid. Medyo maingay, nakapaikot sa akin ang mga kurtina. Nakahiga ako sa maliit na higaan at nakatabon ang manipis na kulay puting kumot din hanggang sa bewang ko. Nasaan ako? Anong lugar ito? Unti unti kong inalala ang nangyari.. Ang kasal.. si Nick.. sila Mommy at ang.. aksidente ko. Nanginig ang katawan ko sa alaalang nangyari. Ang pagtaob ng kotse at ang matagumpay kong paglabas dito bago nalaglag ito sa matarik na bangin at sumabog. "Ilang araw na at hindi pa siya gumigising. Nag-aalala na ako sa kalagayan niya." sa kung saan ay narinig kong sabi ng isang

