Mataman lang akong nakatitig sa labas ng bintana ng coffee shop na kinaroroonan ko, nakamasid sa mga taong dumadaam.
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong pwede kong gawin para matigil ang nangyayari sa pamilya ko.
Paulit-ulit nalang ang sakit sa tuwing naiisip ko kung anong nangyari nitong mga nakaraan linggo.
Sobrang sakit na nakikita ko sila Mommy na pilit ang ngiti sakin at sinasabing ayos lang ang lahat kahit alam kong sa loob nila unti-unti na silang pinanghihinaan sa mga nangyayari.
Last week was a hell week for me.
Mommy and I preparing for a dinner when I heard my Dad's car. "Ako ng sasalubong sakanya, Mommy." nakangiti kong sabi sakanya.
Abala pa kasi siya sa finishing touch niya sa cake na ginawa niya para sa amin.
Nang lumabas ako ng kusina kaagad akong lumapit kay Daddy na kakapasok lang sa pinto.
"Hi Dad! How's your day in--." natigil ang pagsasalita ko kasabay ng pagkawala ng ngiti ng makita ang may kaliitang kahon na hawak niya.
"Hija.." nanikip ang lalamunan ko.
Napansin ko rin si Nay Rose sa likod niya na may bitbit din na iba pang gamit niya sa office.
"Dad.." naramdaman ko ang paggilid ng luha sa mata ko dahil sa lungkot na nakita ko sa mata niya.
"Hi sweetheart. I'm home." sabi niya at pilit na ngumiti at tinago ang lungkot sa mukha niya.
Lumapit siya sakin at binigyan ako ng halik sa pisngi. Akmang aalis na siya pero hinawan ko ang kamay niya.
"D-Dad.. don't tell me--." mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.
"It's alright, Elaina. I'm fine so don't worry, okay?" isang pilit na ngiti ang muli niyang binigay sakin bago mabilis na hinaplos ang pisngi ko at tuluyang ng tumalikod paakyat ng hagdan.
That night was the worst and painful night for me because my Dad lost the half of his life.. He lost the company..
Talagang gagawin ni Nick ang lahat para ipakita sakin na wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang gusto niya.
Sinabi ko sa sarili ko na hanggat kaya ko hindi ko hahayaan na masunod ang gusto niya.
Pero ngayon hindi na ako sigurado kung kakayanin ko pa.. dahil hindi lang ang kompanya ang pinuntirya niya. Kahit ang mahalaga bagay para kay Mommy nawala kahapon ng dahil sakanya.
It was Friday. Alam ko na kaming dalawa lang ni Nanay Rose ang nasa bahay. Wala si Daddy dahil may nakaschedule na meeting kay Attorney Amsun, our family lawyer for many years now.
Siguro tungkol sa kompanya ang kailangan pang pagusapan. Hindi ko alam ang kabuuan ng detalye pero hindi rin maganda ang kutob ko.
Si Mommy naman siguradong nasa E-Lain bakery shop. Iyon ang shop na ibinigay ni Daddy bilang regalo noong magcelebrate sila ng anniversary long years ago na sakin naman nila ipinangalan.
Tatlo sa isang linggo binibisita ni mommy ang shop at ang Biyernes ang pinakamatagal dahil maraming tao at orders.
At ako, dahil wala naman din akong tinatapos na designs ay mas pinili ko nalang na manatili sa bahay. Ayoko namang istorbohin sila Mariev at Tamara dahil mukhang abala din sila.
Nasa kwarto lang ako ng ilang oras at nagbabasa ng libro pero ng maiinip ay naisip kong bumababa para makipagkwentuhan kay Nanay Rose.
Nang makadating ako sa kusina kaagad ko siyang nakita pero nagtaka ako dahil may inilapag siyang baso ng juice sa tray.
"Nay para kanino po iyan." nagtataka kong tanong sakanya.
"Uh.. Para sa Mommy mo, hija." mabilis na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya, kay mommy? Hindi ba at nasa shop siya ngayon? Ang aga yata niyang umuwi?
"Si Mommy? Hindi ho ba siya umalis?" tanong ko pero hindi sumagot si Nay Rose kaya bahagya akong kinabahan.
Para masagot ang tanong ko nagprisenta nalang ako na ang magdadala ng juice sakanya. Kaagad naman niyang ibinigay at sinabing nasa garden siya at naghihintay.
"Mommy why are you still here? Hindi ka pupunta ng shop?" kaagad kong tanong ng makalapit ako sakanya.
"Ah that.. No sweetie. Hindi ako pumunta." mahina niyang sabi at kinuha ang inabot kong juice.
"Why? Hindi ba maganda ang pikiramdam mo kaya hindi ka pumunta?" muli kong tanong pero umiwas lang siya ng tingin dahilan para mas lalo akong kabahan. "M-Mom.. what's happening?" hindi ko alam kung ilang segundong natahimik kaming dalawa hanggang sa humugot siya malalim na hininga at may bahid ng lungkot sa mukhang humarap sakin.
"Elaina.. Iyong shop hindi na ako ang may-ari." natulala ako sa sinabi niya. How? "I have no choice.. ipinagbili ko ang shop para maisalba itong bahay natin. You knew that our house is under the company. At dahil wala na satin ang kompanya mawawala rin ang bahay natin pero hindi ko mapapayagan iyon. I sold the shop para mabili ang bahay natin sa kompanya. Mas pipiliin ko ang bahay natin kaysa sa shop dahil marami tayong memories dito at hindi ko kayang basta basta nalang bitawan ito.."
That time, I feel so hopeless seeing my Mom crying. Alam ko kung gaano kahalaga din sakanya ang shop pero wala na rin ito..
Ngayon hindi ko na alam kung anong pwede pang mawala samin. Hindi na ako sigurado kung kaya ko pang makitang nahihirapan ang mga magulang ko. I want it to stop.
"Well, by looking at these digits.. may bagay kang magagawa, hija." napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig si Attorney Amsun. Nakipagkita ako sakanya at nagbabakasakaling may magagawa pa ako.
"Ano po ang pwedeng magawa ng mga iyan, Attorney?" kahit na wala ng matira sa akin.
"Kapag pinagsama-sama mo ang lahat ng savings at trust funds mo from your grandparents mabibili mo ulit ang shop ng Mommy mo at may matitira pang halaga sayo." binaba niya ang mga accounts na ipinakita ko sakanya bago tumingin sakin.
Napangito ako. Gusto kong mabawi ang shop ni Mommy.
"But to be frank with you. Kung ang kumpanya ang balak mong isalba, hindi mo magagawa dahil sa totoo lang ay napakaliit na halagang iyan para mabili ulit at mabayaran ang utang ng Daddy mo."
Napayuko ako sa sinabi niya. Alam ko namang malabo ang gusto ko pero pinilit ko parin.
"Hija tatagan mo ang loob mo. Kilala ko ang mga magulang mo. Alam kong hindi nila hahayaan na gawin mo ang bagay na ayaw mo." alam ko ang bagay iyon pero ako.. kaya ko pa ba silang makitang nahihirapan?
"Why it is happening to us?" hindi ko na kayang makitang nahihirapan ang magulang ko. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa ang ganito kahit ang kalayaan ko handa ko ng isugal.
"Everything will be fine soon, makakaya ng pamilya mo ang pagsubok na it--." biglang natigil sa pagsasalita si Attorney Amsun ng biglang pagtunog ng cellphone niya.
Kinabahan ako bigla sa pagtingin niya sa akin. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago sinagot ang tawag.
"Hello, Attorney Amsun speaking."sagot niya sa kabilang linya. Pinagmasdan ko siya at hindi ko alam dahil biglang dumoble ang kabang nararamdaman ko ng makita ng biglang magbago ang ekspresyon ng mukha niya. "I understand. I'm coming. Bye."
"Attorney?" ramdam ko ang pagsikip ng hininga ko ng bigla siyang tumingin sakin matapos ang tawag.
Ramdam kong may hindi magandang nangyayari.. at hindi nga ako nagkamali roon.
"We need to go. May pulis sa bahay ninyo at inaaresto ang Daddy mo."
Halos lumabas ang puso ko sa kaba dahil dito. Maging sa biyahe namin ay hindi ako mapakali.
Halos wala sampung minuto ay naitabi na ni Attorney Amsun ang kotse niya sa harap ng bahay. Dali dali akong bumaba at tumakbo sa kinaroroonan nila.
"M-Mommy! Daddy!" sigaw ko kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil sa tagpong nakita ko.
May mga pulis na pilit na pinoposasan si Daddy pero pumapalag siya at sinasabing papunta na si Attorney Amsun. Samantalang si Mommy naman ay pilit na niyayakap si Dad at patuloy lang sa pag-iyak. Umalalay si Nanay Rose sakanya na umiiyak din sa pagpalag ng magulang ko.
"A-Ano ba?! Bitawan ninyo ang Daddy ko!!" pilit kong hinarang ang ginagawa nilang pagposas kay Daddy. "Anong karapatan ninyo arestuhin siya ng ganito?!" halos sumakit ang lalamunan ko sa ginawa kong pagsigaw pero wala akong pakielam!
"Ako ang abogado ni Mr. Cornell! Bitawan ninyo siya kung ayaw din ninyong makasuhan!" banta ni Attorney Amsun sa mga pulis pero wala akong nakitang kahit konting takot sa mga mukha ng mga pulis.
"Attorney meron ho kaming legal documents na nagsasabi na pwede naming arestuhin si Mr. Cornell." May inabot ang isang pulis kay Attorney Amsun na kaagad naman niyang binasa.
Nakita ko kung paano dumilim ang mukha ni Attorney Amsun matapos niyang basahin ang papel na siya namang ikinangiti ng mga pulis.
"Attorney ginagawa lang naming ang utos at trabaho namin kaya pasensyahan nalang." sabi ng isang pulis na sa tingin ko ang pinuno nila bago muling humarap samin at pilit na hilain si Daddy.
"Rendell! H-Huwag ninyo siyang kunin!" hagulgol ni Mommy at wala sa sariling nabitawan ang yakap kay Daddy dahil sa paghila nila sakanya.
"Ano ba! Sasama siya ng maayos at hindi ninyo siya kailangang pwersahin!" mariing sabi ni Attorney pero parang walang narinig ang mga pulis at halos pabalya nilang atakin si Daddy.
My tears are keep on falling on my cheeks. Sobra akong nasaksaktan sa nangyayari! Hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya na nakikita silang ganito!
Sa nanginginig kong kamay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero niya.
Alam kong siya lang ang nasa likod ng lahat ng ito. Si Nick lang ang gagawa nito! With his connections and his family kaya niyang kontrolin ang mga nakapaligid!
Halos nakadalawang ring palang ay agad na niyang sinagot. "N-Nick stop!" nanginginig kong sigaw sakanya.
"I can't, Elaina. Kung nakinig ka lang sa akin hindi na sana mangyayari ang ganito." tulad ng inaasahan ko siya ang dahilan ng lahat ng ito!
Mas lalo akong umiyak dahil alam kong wala na akong pagpipilian.
"P-Please Nick! I..I'm begging you stop this!" namamaos kong sigaw habang patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. I feel so helpless.
"No Elaina. Alam mong may utang na dapat pagbayaran sa kompanya ang ama mo. At dahil hindi niya magawang bayaran iyon wala akong pagpipilian kung hindi ang gawin iyan." pinal na sagot niya sakin pero alam kong nagsisinungaling siya. "Now, if you don't have anything to say anymore I'll h--." I immeaditely cut him off.
"N-No! Wait!" ayaw ko na silang masaktan ng ganito.
Mariin akong napapikit dahil sigurado akong pagkatapos ng tawag na ito ay pagsisisihan ko ang magiging disisyon ko.
"S-Stop it now, Nick!! P-Payag na ako.. Payag na akong magpakasal sayo!