Bakit ako pa? Bakit ako pa ang ginusto ni Nick? Hindi ba niya maintindihan na wala akong anumang nararamdaman para sakanya?
Bakit kailangan niyang gawin sa pamilya ko ito? Bakit kailangan niyang gawin sakin ito?
"God! I never thought Nick will do that to you!" galit na sabi ni Tamara.
Hindi ko kayang manatili sa bahay. This is too much for me. Kahit sandali lang, gusto kong samahan nila ako para mailabas ko ang bigat ng nararamdaman ko.
"I-I hate him! I really hate him." hirap kong sabi habang umiiyak. Nasa tabi ko si Mariev na pilit akong pinapatahan.
I called her. I just need someone to talk too. Nalaman din ni Tamara kaya kahit my trabaho siya at si Francis at pinuntahan nila ako.
"That crazy asshole! Gagawin talaga niya ang lahat para makuha ka! I'm going to kill him!" patuloy ni Tamara.
"Tamara calm down. Let's think something to solve this." si Francis, na isa din sa mga kaibigan namin.
"Tahan na, Elaina. Wala na ba talagang magagawa? Maybe, we could help you." napailing nalang ako.
Hindi na basta basta makukuha sa pamilya nila Nick ang shares lalo na at may ibang gusto siyang makuha. Ako.
"Nothing, they have like almost fifty percent of our company. At hindi ko alam bakit nagkaganoon. Hindi ko alam bakit hindi nalaman agad ni Daddy. Pakiramdam ko ginamit nila ang pera at impluwensya nila para lang matupad ang gusto niya." mas lalo akong napa-iyak.
Hindi ko alam paano nanakawan si Dad sa sariling kompanya. He's good at handling our company. Ayaw kong isipin pero pakiramdam ko may ginawa ang pamilya ni Nick kaya nangyayari lahat ito.
"So what is your plan? Are you going to marry that psycho?!" tanong ni Tamara. Alam nilang ayaw kong gawin iyon.
"I-I don't know. I don't want to marry him. P-Pero ako lang ang pagasa nila Daddy." ayaw kong gawin pero paano ang pamilya ko?
"I will ask my parents to help you, Elaina."
"Yeah, me too. I'll talk to my brother."
"T-Thank you. Kung wala kayo hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Elaina we're always here for you, remember that."
Kahit paano, nagawa nilang pagaanin ang pakiramdam ko. I love them so much.
Sinamahan nila ako hanggang sa uminahon ako. Sinundo ako ni Alice pagkatapos noon. Nalaman din niya ang sitwasyon ko kaya gusto din niyang malaman ang lagay ko.
Pabor din sa akin ang pagsundo niya sa akin. Ayaw ko din masyadong abalahin pa sila Mariev, alam kong nag-aalala sila sa akin. Sapat na napanatag ako ng kaunti dahil sakanila.
Pinagluto ako ni Alice. Dito na ako nagdinner sa bahay nila lalo na wala din ang kapatid niyang si Hansel at Tito Edison.
Kanina pa niya pinapagaan ang loob ko. We went to a shopping center and did some beauty services just to relax my mind.
"Don't worry, Elaina. Kinakausap na din ni Dad ang ilang mga kakilala niya para makatulong. Hindi ka ikakasal kay Nick." I smiled at her.
Iyon nalang talaga ang pinanghahawakan ko. Sana may magawa pang paraan. Kung kinakailangan kong ibigay ang trust funds ko ay gagawin ko.
Bago pa lumalim ang gabi ay hinatid na din ako ni Alice. Napadalhan ko naman sila Mommy ng mensahe kanina para hindi na sila masyadong mag-alala.
"Don't think too much, okay? Everything will be fine soon." si Alice nang huminto kami sa harap ng gate ng bahay.
"Thank you, Lice. Thank you for this day." yumakap at humalik ako sa pisngi niya. "Take care." huli kong sabi bago bumaba at kumaway sakanya paalis.
Nang mawala na ang kotse niya sa paningin ko ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.
Ilang segundo din akong nakatayo hanggang sa mapatingin ako sa kalangitan na pinakikinang ng mga bituwin
"You're doing this because you have your purpose, right?" bulong ko kahit na alam kong wala akong makukuhang sagot. "Kung meron nga.. gabayan mo ako.."
Mapait akong ngumiti bago nagpasya ng pumasok sa bahay.
Pagpasok, halos matanaw ko palang ang pintuan ay napansin ko na kaagad ang isang pamilyar na lalaki na dahilan ng bigla kong galit.
"Elaina.. Where have you been? Bakit hindi kita matawagan?" How dare him? Ang kapal ng pagmumukha niyang pumunta dito na parang walang ginawa saa akin at sa pamilya ko!
Pinilit kong kalmahin ang sarili kahit pa gustung gusto ko ng kalmutin ang malademonyo niyang pagmumukha.
"What are you doing here?" malamig kong tanong sakanya. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kaysa makasal sakanya!
"I wan to see you. And I'm here because we need to talk." simple niyang sagot saka lumapit sakin pero mabilis akong humakbang palayo sakanya. "Come on, Elaina. Don't make things hard for the both of us. I know your parents already told you everything. We need to talk.. about us." kaagad humigpit ang hawak ko sa bag ko dahil sa sinabi niya dahil sa grabeng pagpipigil ko ng galit.
"There's nothing between us Nick! You know that from the very start! And there will be no us in the near future!" nakita ko ang pagtabang ng mukha niya pero ngumiti pa din siya.
"Alam mong malapit na mangyari, Elaina. Please don't make things hard for us." may pagsusumamo pero kita ko ang tagong ngiti doon.
He's happy because he thinks I'll marry him! Masaya siya dahil sa tingin niya talagang makukuha na niya ako! Nagkakamali siya!
"You're right! Don't make things hard for the both of us! Stop this now, Nick! Hindi kita mahal! Just find someone who can love you back!" ngayon dumilim ang mukha niya na halatang hindi nagustuhan ang mga sinabi ko.
"No, Elaina. Mamahalin mo rin ako. And I know what I want. Sisiguraduhin ko mangyayari ang dapat mangyari!" nasa boses niya ang kasiguraduhan sa mga sinasabi niya. "Sa tingin mo ngayon pa ako susuko? I waited too long just to have you! At ngayong may paraan na para makuha kita gagamitin ko iyon para maikasal ka sakin." naramdaman ko ang pamilyar na takot dahil sa mga sinabi niya. Tama si Mariev at Tamara.. he's crazy.
"No! I won't marry you!" mas lalong humigpit ang hawak ko sa bag. Ayokong makasal sa gaya niya, hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin. Natatakot ako sa tulad niya.
"Sure you can't! But can you bear it if you'll see your family suffer?! Kaya mong mawala ang kompanyang halos dugo't pawis ang pinuhunan ng pamilya mo? Kaya mong makita ang Daddy mong mawalan ng importante sakanya? If you can, then go and deny me!" bigla akong natigilan sa sinabi niya.
Alam kong ganun ang mangyayari pero bakit nanginig parin ako sa masakit na katotohanan?
"H-Hindi.. hindi ako magpapakasal sayo.." kung kanina ay sigurado ako sa sagot ko ngayon pakiramdam ko hindi na.
Mukhang napansin din niya ang hindu kasiguraduhan sa mukha ko kaya muling bumalik ang ngiti niya.
"Let's see, Elaina. Let's see.."