Akala ko magiging masaya ang gabing ito pero nagkamali ako. My excitement faded as soon as I saw Nick sitting in our place after we dance.
Damn! I can't understand him! Bakit kailangan niyang maging ganito kapilit kahit pa hindi ko na mabilang ang beses na sinabi kong hindi ko siya gusto. Na hindi kami parehas ng nararamdaman?
Pumayag na ako kahapon sakanya sa hapunang iyon. Pati ba naman sa pagsasaya namin ng pinsan ko makikita ko siya?
"Elaina be calm.." rinig kong sabi ni Alice.
After our dinner at her restaurant, they invited me here. Kasama namin ang fiancé niyang si Dylan.
I looked around and it ruined my night even more when I saw his bodyguards everywhere.
Nickolas Conjerro, anak siya ng maimpluwensyang tao sa larangan ng pulitiko, si Governor Thedeus Conjerro.
He's my classmate way back in high school. Noong una ayos naman ang lahat at naging kaibigan ko siya pero habang tumatagal nagiging kakaiba na ang kilos niya lalo na pagdating sakin.
He became possessive of me. Umabot siya sa punto na pinabugbog niya ang mga kaibigan kong lalaki na kasama ko sa dance club.
Simula noon sinubukan kong umiwas sakanya pero hindi niya pinayagan at siya na mismo ang nagsabi na gustung gusto niya ako.
Nang mag kolehiyo akala ko ayos na at makakalayo na ako sakanya pero sa unibersidad na pinapasukan ko rin siya pumasok.
At first I thought it was just coincidence but it was not, he really followed me. Ginawa ko ang lahat para iwasan siya pero sa huli mas lalo lang kaming napalapit lalo pa ng maging kasosyo ni Daddy sa negosyo ang pamilya niya.
I let a deep sighed. Umupo ako at agad siyang tumabi sa akin. Si Alice at Dylan ay mataman lang na nakatingin sa amin.
"Kanina pa kayo?" tanong niya at muling inipit sa tenga ko ang hiblang tumatakas. Ganito din siya, kapag tumatakas ako pilit niya akong iniipit sakanya.
"Yeah.." malamig kong tugon sakanya.
Tuluyang nawala ang saya ko kanina na kami lang nila Alice. He can change my mood by just showing up in front of me.
Nagtagal pa ng ilang minuto ang pananatili namin. Mukha namang masaya sila Alice at Dylan na may sariling mundo. Panay ang usap sa akin ni Nick pero mga tipid lang ang mga sagot ko skanya.
Nang medyo tinamaan na si Alice at nagpasya na kaming umuwi. "Take care, Elaina.. Uh hindi ka na namin ihahatid nandiyan si Nick." alanganin niyang sabi.
"Alright. Ingat kayo sa biyahe." mabilis na halik sa pisngi ang ginawa ko sakanila bago sila tuluyang umalis.
Nick put his hand around my waist. "Let's go, Elaina. I will drive you home." I didn't say a word and tried to calm myself. "Barod.."
Tawag niya sa isang bodyguard bago dumating ang isang kotse at binuksan ni Nick ang pinto para sakin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumasok at umandar ang sasakyan.
Tahimik lang ako habang nakamasid sa labas ng bintana ng sinasakyan namin. Wala akong balak na kausapin siya pero mukhang hindi iyon ang balak niya.
"Tired, love?" bulong niya saka hinaplos pa ang pisngi ko na agad kong nilayo sakanya.
"Not really. I'm fine Nick." Walang emosyon kong sagot sakanya. Tahimik na napausal ako ng pasasalamat dahil hindi na siya ulit nagsalita.
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Tumahimik na din kasi siya at hindi ako mapalagay dito.
Buong biyahe lang kaming tahimik hanggang sa maihatid niya ako sa tapat ng bahay. Hindi na ako naghintay na pagbuksan pa niya ako ng pinto, ako na mismo ang nagbukas sa kabila at bumaba.
"Thank you Nick. Good night." simple kong sabi at akamang tatalikod na sana para pumasok pero naramdaman kong humawak siya sa braso ko para pigilan.
"Elaina alam mong mahal kita kaya ganito ako sayo." hindi ako nagsalita. His definition of love is scary. "You must be really tired. Alright. Good night Elaina."
Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay bumaba ang mukha niya at akmang hahalikan ako sa labi pero naging mabilis ang kilos ko. Iniwas ko ang mukha ko dahilan para sa pisngi dumapo ang halik niya.
Bahagya akong kinabahan ng makitang nagdilim ang muka niya pero ang mas kinagulat ko nang hinawakan niya ako sa may batok at akmang hahalikan niya ulit.
"N-Nick ano ba?! Stop!" itinulak ko siya at bahagyang lumayo sakanya. "What do you think you're doing?"
"What Elaina?!" ngayon galit na niyang sagot. Parang naubusan na siya ng pasensya sa akin. Mas lalong akong natakot ng makita ang sobrang pagdilim ng mukha niya. "Wala parin ba akong karapatan sayo?!"
I shook my head with disbelief. "Nick you know there's nothing betwe--."
"No Elaina! Ikaw ang walang alam! When it comes to you I have all the rights now!" the familiar fear covered me again. Heto nanaman ang mga salita niya na hindi ko maintindihan.
"W-What are you talking about?" nabibingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Natatakot ako sa hindi ko alam na kadahilanan.
"I told you before that you'll be mine.. and soon you will." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. "You will going to marry me Elaina or else.." he paused for a seconds. I can see the assurance in his eyes. "Tuluyang mawawala ang kumpanyang iningatan ng pamilya mo sa mahabang panahon."
And right there his words destroyed me.
Paanong nagkaganito? Paanong sa isang iglap hindi ko na hawak ang dapat na desisyon para sa sarili? Paanong parang wala na akong kalayaan?
Buong gabi akong umiyak, nakatulog nalang ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Kinabukasan na nagising ako ay hindi ko parin maiwasang maluha sa nalaman ko.
Bakit naging ganito ang lahat? Bakit naging ganito ang sitwasyon namin? Bakit ang kompanya pa na matagal ng iningatan ng pamilya ko?
"M-Mom bakit kailangan maging ganito? D-Dapat sinabi ninyo sakin ni Dad. You know that I will help in any possible way." kung sinabi nila sakin ng mas maaga baka may nagawa pa ako at hindi tulad ngayon na malabo ng maisalba sa kamay nila Nick ang kompanya.
"I-I'm so sorry, Elaina. You don't deserve this.. I'm really sorry. Kung naging maingat lang sana kami.. hindi sana nagyari ito. H-Hindi ka sana nahihirapan ng ganito ngayon." ang problemang kinakaharap ay masyadong mabigat kaya hindi ko maiwasan panghinaan ng loob.
"M-Mom.. baka may pag-asa pa.. I have my trust funds from lolo and lola. I also have my savings and we have properties. Gamitin natin lahat para makuha ulit ang kompanya." halos magmakaawa ko sakanya pero malungkot lang siyang tumingin sakin at may luha sa mata.
"N-No hija.. Kahit na gamitin natin ang mga iyon ay kulang na kulang pa dahil hindi basta basta ang halaga na nanakaw para mabalik satin ang kompanya." tuluyan ng gumuho ang kakaunti kong pagasa sa sinabi niya. I sobbed really hard.
"I.. I can't marry him. I don't love him." umiiyak lang din si Mommy samantalang nakatanaw sa kawalan si Daddy.
Ang malaking halagang galing sa kompanya ay ininvest ni Daddy sa pagpapalawig sana ng kompanya.. pero ninakaw ito.
Nagkagulo ang lahat ng board members. Ang iilan ay inaalis ang shares nila. Lulubong ang kompanya pero dahil sa pamilya ni Nick ay nanatili ito. Sila ang bumili sa mga shares kaya nanatili pa ring buhay. Pero masyado pa rin malaki ang perang nawala.. at nagkautang ng malaki si Dad sa mga bangko.
Mas lalo akong napaiyak dahil sa walang kapagasa sa mukha nila.
"Sweetheart you don't need to marry him. Kaya nating mabuhay kahit mawala sa atin ang lahat." umiling ako at patuloy na umiyak sa sinabi ni Daddy.
"D-Dad.. hahayaan mong mawala ang kompanya?" It's not about money or material things anymore.
Ang dahilan kung bakit ayaw kong bitawan niya ang kompanya ay dahil alam ko kung gaano kahalaga sakanya ito.
Mahal na mahal niya ang kompanya tulad ng pagmamahal niya samin. Marami na siyang ginawang sakripisyo at mga bagay para mapangalagaan ito. At kahit pa ayaw aminin ni Daddy alam kong ayaw niyang mawala sakanya ang kompanya.
"The company.. is your life, Dad." nakita kong umiwas siya ng tingin sa sinabi ko at hindi nagawang magsalita.
Mas lalo kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko kayang nakikita sila ng ganito..
Ilang minuto akong umiiyak hanggang sa naramdaman ko ang paghaplos ni mommy sa buhok ko.
"W-We will get through with this. We will, baby.." bulong ni Mommy bago mahigpit akong niyakap..
Ayaw kong pakasalan si Nick. Hindi ko siya mahal.