Kabanata 3

1141 Words
"Tita Enna!!" halos matawa kami ni Mommy sa sabay na pagyakap nila Mariev at Tamara sakanya. "Nako mga bata kayo. Hindi na kayo nagbago." tumatawang tinanggap ni Mommy ang mga halik sa pisngi sakanya. Pagkatapos kay Mommy ako naman ang simalubong ng dalawa. "Hi gorgeous.." asar ni Tamara sa akin na may kindat pa. "Shut it, Tamara." asik ko pero nakangiting niyakap din siya. "Kaya may nababaliw eh." narinig ko pang bulong niya bago natatawang umalis at kay Mommy kumapit. "Elaina. You look stunning!" Mariev na yumakap at humalik din sa pisngi ko. May ever favorite charmer. I like my eyes, but Mariev eyes are sparkling killers. Tamara has these fascinating deep dark eyes. Mapapansin mo agad ang malakas na personalidad niya. Mariev has these sparkling and soft eyes. Ang sakanya ay lulunurin at palalambutin ka dahil parang gusto mo nalang siyang protektahan. Nagtagal pa ng ilang minuto ang asaran namin bago kami iginaya ni Mommy sa kusina. Today, we invited them for lunch. Sakto at wala kaming mga trabaho. Kami lang ni Nay Rose at Mom ngayon dahil nasa kompanya si Dad. Naging maingay agad sa kusina sa pagsisimula ng pagluluto namin. Kami nila Mommy ay marunong pero ang dalawa kong kaibigan ang nagpapagulo sa kusina. "Why do we need to put sugar all the time?" tanong ni Tamara na medyo hindi na naiintindihan ang nangyayari. Sa gilid ni Mommy si Mariev na tagatikim lang. "So that you can be sweeter too, Tamara." ngayon ako na ang umasar sakanya. I chuckled as soon as she rolled his eyes on me. Among the three of us, Tamara has the dark past. Though, Kuya Samuel and her are too private, the car accident of their parents was not a secret to the public. Hindi man alam ng marami ang totoong dahilan pero may mas malalim na nangyari nokng gabing iyon. Matapos ng aksidenteng ay silang dalawa nalang ni Kuya Samuel. And maybe, that is the reason why she became strong and independent woman. No on can bully her, she's the bully. No one can mess up with her, because she'll ruin your life. I love her for that. Natapos naman ng maayos ang pagluluto ng pananghalian kahit na maingay. Tuwang tuwa sila Mommy at Nay Rose sa kainosentihan ni Mariev at kainitin ng ulo naman ni Tamara sa ginagawa. Habang nag-aayos ng hapag sila Mommy nagpasya muna kaming tatlo na pumunta sa silid ko para magpahinga. Habang nakahiga ako, abala naman sila sa pagkalikot ng kung anu ano sa silid ko na parang ngayon lang nakapunta. "The day after tomorrow then. Sa club nalang tayo magkita?" si Tamara na niyaya kami sa isang club na natuklasan niya. Hindi ako pwede bukas dahil bibisita naman ako sa pinsan kong si Alice. We agreed to meet at her restaurant. "May magiging bisita sila Mommy pero pupunta pa rin ako." si Mariev na abala naman sa pagtingin ng mga cd. "Alright! Kita kita nalang tayo!" palakpak pang tugon ni Tamara. Naputol lang ito nang katukin na kami para sa bumaba. Muling naging maingay ang hapag sa pagkain namin. After our lunch, we spend a little more time before we bid our goodbyes. Isang oras lang din pagkaalis nila Tamara ay nagpaalam na din ako kay Mommy na bibisita muna sa studio. Aside from my personal dance studio in our house, I also created this E-Dance Studio after I graduated in college. Dancing is always been my greatest passion. Sa pamilya ko ay walang may hilig dito, my Mom was a model, and my Dad is a sporty type and businessman. Kaya madalas tinatanong ako kung kanino ko namana, o kung bakit hindi pagmomodelo ang nahiligan ko lalo pa at lahat ng katangian ni Mommy ay nakuha ko. Ganoon naman talaga siguro, life will mold you in a way you didn't expected. Dahil naging abala ako sa mga designs ko nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na nabibisita ang dance studio. Ayos lang naman ito dahil may mga mentors na namamahala kapag wala ako. Hindi naman malaki ang pinagawa kong studio. Tama lang ito sa mga dancers na nakalista sa amin. It has a wide and divided sections, the front place has small lobby, equipment storage, and even a snack house. Ang sa bandang likuran ay ang mismong soundproof studio. Agad akong binati ni Charlene, isa sa namamahala at dance mentor din. Nagtagal ako ng kaunti na kausap siya. She updated me regarding the transactions of the studio these past few days. Nang pumasok na ako sa studio nadatnan ko ang mga dalaga at binatang nagsasayaw sa loob. Kasama nila si Nancy at Ricks na mga dance mentor din. "Tagal mo hindi nakadalaw, Madam!" si Ricks matapos bumati ng mga ito sa akin. "Naging abala sa trabaho, Ricks." sagot ko nang makaupo kami sa mga flat couch sa gilid ng silid. "Kaya nga eh. Kakaloka ang daming dumadagsa na dito." malandi niyang sabi kasabay ng mga pilantik sa mga daliri. He's gay and a really versatile dancer. Isa siya sa mga nagustuhan ko talagang dancer kaya agad ko siyang kinuha para dito. Ilang minuto pang nag-usap kami bago bumalik sa pagtuturo niya. Bukas din ang studio kahit sa mga bata tuwing bakasyon kaya halos walang pahinga talaga. I'm just happy that even with the modern generation today, a lot of kids still appreciate dancing. Nakangiti lang akong pinagmamasdan ang pagsasayaw nila nang pumasok sa silid si Charlene. Pagkakita sa akin ay agad siyang lumapit. "Uh Miss Elaina. Nasa labas po si Sir Nick, hinihintay po kayo." nawala agad ang ngiti ko. Pati ba naman dito, Nick? Hindi na muling bumalik ang ngiti ko kahit pa noong lumabas ako para puntahan siya. Wearing his formal suit, he's smiling when he saw me. "Hi.." bati niya at agad na mas napangiti sa pagtitig sa kabuuan ko. I'm wearing a halter sleeveless knitted top, faded pants and pointed close heels. "Nick.." "You're gorgeous, love." bahagya pa akong natigilan sa paghaplos niya sa buhok ko at pag-ipit niya sa hibla nito sa likod ng tenga ko. I don't know if it's better than trying to kiss me on my cheek. "What are you doing here?" tanong ko kahit pa gumala na ang mga mata ko sa mga nakaitim na lalaking bantay niya. Napansin ko na din ang iilang mga napapatingin sa amin kasama si Charlene na kunwaring may ginagawa sa screen sa harapan niya. "Inviting you to a dinner." hindi ko na siya masyadong mabigyan ng pansin dahil sa tao sa paligid. "Nick it's too early for dinner." ngayon ay muli akong napatingin sakanya. Hindi naalis ang tingin niya sa mukha ko. "Well, early dinner then." napabuntong hininga ako. Alam kong hindi niya ako titigilan. Sa huli, para makaalis at matigil nalang din ang tinginan sa amin ay pumayag na ako. He's everywhere I go. I don't like it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD