"Now we're alone.. again." halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya. 'What's going on?!' sigaw ng utak ko. Ang mas pagdiin ng kamay niya sa bewang ko ay parang naging signal ko para makawala sakanya pero tumama ang likod ko sa sliding door. "A-Anong bang ginagawa mo? B-Bitawan mo ako!" lakas loob kong sabi at tinabig ang kamay niyang nakahawak sakin pero naging maagap siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilagay sa likuran ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa halos magkayakap na kami. The familiar sensations flash once again. Ganito din ang naramdaman ko noong una kaming nagkita. "B-Bitawan mo ako.." bakit kailangan niyang gawin ito kung gusto lang niya akong makausap? "Don't order me around. Not in my own territory!" I gulped when I saw anger in his eyes. "

