"A-Ano?! Si Sir Wardden ang tinutukoy mong nakapasok dito?!" nabitawan ni Carla ang hawak na kutsara dahil sa sinabi ko. Kasalukuyan kaming nanananghalian. Hindi ko na napigilang sabihin sakanya dahil nangamusta siya sa naging orientation ko. "H-Hindi rin ako makapaniwala ng makita ko siya." Nasa mukha niya ang pagkakagulat sa nalaman. "Carla hindi ako sigurado kung natatandaan pa niya ako pero sana.. sana hindi na." kahit na alam kong tandang tanda pa niya ako ay nananalangin ako na sana kalimutan nalang niya. He's my boss for Pete's sake! At wala akong ideya kung bakit nalang siya biglang pumasok dito na parang may tinataguan. I find it strange. "W-Wala ka namang sigurong nagawa sakanya, hindi ba?" alanganing tanong niya ng makabawi sa pagkabigla. "Ibig kong sabihin, talagang gawa

