Ramdam ko ang mga namumuong pawis sa aking noo. Alam kong hindi ito dahil sa init sa isla, kung hindi dahil sa lalaking kasalukuyang nagsasalita. Siya ang lalaking bigla nalang pumasok sa tinutuluyan namin. Damn! He's the owner of Isla de Plaso?! Maraming tanong ang umiikot sa isip ko. Tulad ng bakit bigla nalang siyang pumasok noon sa tinutuluyan namin at parang may tinataguan? He looks cold and dominant. Mukhang takot ang lahat sakanya. Kahit ako ay hindi ko mapigilang hindi matakot. Ang mga tingin niya lalo na nang magkasalubong niya ang mata ko kanina. I saw something crossed his eyes before he clenched his jaw. Naaalala pa kaya niya ako? "Elaina ayos ka lang ba talaga?" narinig kong muling bulong sakin ni Irene. Napalunok ako at bahagyang inangat ang mukha ko para makita ang

