Hanggang ngayon naglalambot parin ako sa nangyari kanina. Sariwang sariwa pa rin sa isip ko ang lahat. "Dapat hindi muna kita iniwan. Hindi sana nangyari sayo ito!" tumingin ako kay Carla na nasa mukha ang sobrang pagsisisi. "Nangako ako kila Nay Anita at Tay Kamor na akong bahala sayo pero una palang hindi ko na natupad ang sinabi ko." "Wala ka namang kasalanan, Carla. Nagulat lang talaga ako sa biglaang pagpasok ng lalaki iyon dito." nakaupo na ako habang nakatingin sa mga darili ko. Hindi ko sinabi sakanila na sa banyo nangyari ang lahat at nakatapis lang ako ng tuwalya dahil baka mas lalong sisihin ni Carla ang sarili. "Sigurado ka bang ayos ka lang talaga, Elaina?" boses naman ni Bea ang narinig ko. Gabi narin kaya tapos na ang shift ng trabaho nila. "Gusto mo bang sabihin nati

