"Nakakainggit talaga kahit anong ipasuot ko sayo ay bagay na bagay." nakangusong kumento ni Carla na bahagya kong ikinangiti. Pinasuotan niya ako ng bestida na binili namin nung isang araw sa Sugaran. "Ikaw rin naman kahit anong isuot mo bagay sayo." totoong maganda si Carla. Makinis ang kayumanggi niyang balat, hanggang balikat ang buhok, bibilugin ang mata, maliit pero may katangusan ang ilong at manipis ang labi. Hindi lang niya siguro pinapansin pero maganda siya. "Talaga ba? Binobola mo lang ako eh." Nakanguso parin siya saka bumalik sa pag-iimpake ng damit niya sa bag. "Hindi, maniwala ka maganda ka Carla." sabi ko at tumayo na sa higaan niya. Tatlong araw na akong nandito sakanila dahil wala akong kasama sa bahay. Wala sila Nay Anita at Tay Kamor dahil nagtatrabaho. Ang

