Petition
"Hoy!" I called him again when he didn't even flinch.
Wala ba siyang naririnig? Kung meron, wala ba siyang pakialam talaga?!
Natigilan ako nang natigilan siya. He looked over his shoulder to see who it is. Nagtama ang mga mata namin. And as usual, mukha na naman siyang walang pakialam sa mundo.
I suddenly wonder if my plan is even possible? Paano kaya eepekto 'yon kung ganito naman ang kaharap ko.
Naglalakad ako papalapit sa kanya. This is gonna be the first impression so I smiled as pretty as I can. Bahagya pa akong kumaway sa kanya.
"Hi!" Malawak ang ngiti ko.
Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa makalapit ako sa kanya. Ni walang nagbago sa mukha niya. He looked as if he really doesn't care about anything! Tao pa ba 'tong kaharap ko?
"Hello?" Kumaway ulit ako ng bahagya para magpapansin.
Bahagyang kumunot ang noo niya. Ha! That's probably the first time I saw him have an expression. So that means at least tao naman siya.
"Uh, hindi mo ba 'ko kilala?" I tried to sound soft.
I'm getting the vibes that I'm becoming one of those pabebe girls sa ginagawa ko. Pero wala akong pakialam.
"No."
"Oh." Kunwari ay ayos lang kahit na medyo naiinis ako na walang epekto man lang sa kanya ang kahit ano.
"I'll introduce myself, then!" masigla kong sabi. "Hi! I'm Ayesha. You can just call me Yesh."
I offered my hand for a handshake. Sinundan niya ito ng tingin. Mas lalong kumunot ang noo niya nang ibalik ang tingin sa akin. He looked as if he's thinking about something.
Mula sa ere na hindi niya tinanggap ang kamay ko, itinaas ko na lang ito para ikaway-kaway ulit sa harap niya.
"Hello?" I smiled awkwardly. "Nakikita mo naman ako, 'di ba?"
"May kailangan ka ba sa 'kin?"
Natigilan ako. Syempre, kahit na halatang iniisnob tayo rito, hindi ko pa rin inalis ang ngiti sa labi ko.
"Uh, wala naman..." Luminga-linga ako sa paligid at naghanap ng pwedeng mai-topic.
"Okay. Mauna na 'ko," aniya at tumalikod na sa akin.
Okay, what the hell?
Yes, I heard that he's aloof and all. Marami rin ang nagsabi na hindi nga raw siya palakaibigan. Tahimik at laging parang may sariling mundo. Pero ang sabi, mabait naman daw.
Mabait na 'yon?! Hindi nga ako pinansin gayong maayos naman akong nagpakilala.
I rolled my eyes. I'm really starting to think my ridiculous idea is indeed pure ridiculous.
Pagbalik sa classroom ay ginawa ko lang ang mga normal kong ginagawa. Study, makipag-usap saglit kapag may kumausap, then back to study. Listen to the lesson and then study. Hanggang mag-break time at uwian, ganoon ang gagawin.
"Some students from lower sections will be joining us from now on. Siguro, simula bukas ay rito na sila magkaklase. Welcome them tomorrow, okay?"
Napukaw ang atensyon ko sa anunsyong iyon ni Ma'am Mel. If that's the case, then it means that Abiero guy will be my classmate? Hindi naman binanggit ang mga pangalan ng lilipat sa section namin pero halata namang kasama siya roon.
He's got the highest average, after all.
Naalala ko na naman ang puno't dulo ng problema ko ngayon. Yeah, right. Maganda na rin 'yon. It's better kung malapit siya sa akin. Better keep your rivals closer.
Him being my classmate means I get to have more chances to approach him, right?
Balak ko sana siyang lapitan mamaya sa break time. Kaya lang naalala ko kung paanong hindi niya ako pinansin kanina. Bukas ko na lang sisimulan kapag lumipat na siya rito.
But then, the next day, he wasn't present! Hindi siya kasama sa mga lumipat sa star section. Bakit?