bc

At Your Least and Best

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
aloof
confident
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
first love
slow burn
school
like
intro-logo
Blurb

Being academically gifted, talented, society-friendly, with a beautiful physique and born into a rich family, you could say Ayesha Skye Valencio is the epitome of perfection. She's literally living by all the standards. That's pretty much why people think her nickname, "Miss Perfect," suits her so well.

She's perfect, but that's just what everyone around her thinks. To Ayesha, that title is simply a mockery of her because her life is far from perfect.

She's not perfect; she was just told to be one. all her life. She was just getting the hang of it--dealing with her family issues and excelling at school--she thought her life was getting better. Until this transferee came in and started running everything for her.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Yesh, congrats. Ang taas ng average mo, ang galing mo talaga." Lumapit sa akin si Myra. I am really not in the mood to talk about it. This isn't the first time na may nakaangat sa akin pagdating sa grades. Nangyari na rin 'to noon at tuwing nangyayari, lalo lang bumabaon sa utak ko kung gaano ko kaayaw na mangyari pa ulit 'yon. I hate it. And I hate it even more because of what people say about me. Lalo na ang pamilya ko. "Thanks," tipid na sagot ko. "Kaya lang second ka lang ngayon, 'no? Point lang ang lamang sa 'yo 'nung transferee. Sayang…" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa pagbabasa. Yes, I'm just the second best - for now, but soon, I'll be back on top. First semester pa lang ng eleventh grade. I can do something with that transferee. Dumating na rin si Lisa. Nahalata siguro nila na hindi maganda ang mood ko kaya hindi na muna nila ako kinausap. Both her and Myra are my only friends at school. Though overall, I am popular. Mula Grade 7 ay ako ang may hawak ng pinakamataas na grado sa buong batch namin. I excel in most of my activities, whether academic or extracurricular. All the teachers like me as their outstanding and most diligent student. I even bring home honor to our very own school when I represent it and win so many school competitions. Bukod roon, marami ang nagsasabi na maganda at magaling akong makitungo sa mga tao. That is why they call me Miss Perfect. It's all on them. Iyon ang tingin nila sa akin. Hindi ko kailanman sinabi na tawagin nila akong gano'n. And I never bragged about it. They all think I'm perfect? How I wish. I know a lot of people at school pero hindi ko naman sila ka-close. For all I know, they all just treat me nice and friendly, kakausapin ako madalas, dahil sa katayuan ko sa school. If I was an ordinary student, they wouldn't even bother to give me a casual friendly gesture. Hindi nila ako papansinin. That’s how they are. That’s how people are. "Yesh, ayos ka lang ba?" Muntik na akong matawa.  Finally, they asked. Hindi ako ayos. Pero nagawa kong ngumiti sa kanila. "Oo naman," Tumago-tango si Myra at tumawa. "Sige, congrats ulit sa grade mo. Huwag mo kalimutan, ah?" "'Yung assignment mamaya, ah. Alam mo na." Tumawa rin si Lisa. Tumango ako at ngumiti na lang. Nagpaalam na sila para makauwi na. They don't even have the tiniest clue that I'm not really okay. They waved me goodbye before they walk out of the gate campus. Ako ay naghihintay lang ng sundo ko rito sa parking lot ng school. I am on a public school so most of my schoolmates go home by commuting. Iilan lang ang tulad ko na sinusundo pa sa kotse. Natanaw ko na palapit ang sundo ko. Inayos ko na ang sarili at ang mga librong dala. Some of my schoolmates saw me. Bumaling ako sa kanila at nakitang kinawayan nila ako bilang pagbati. I was about to smile back when I saw someone walking behind them. Abiero. Sinundan ko ito ng tingin at nakitang naglalakad na ito paalis ng school. Wala siyang kasama. He looked alone but it's not surprising since he has that cold, expressionless look on his face. Mukha siyang suplado kaya baka walang kaibigan? He also just transferred so maybe. Bumusina na ang kotse sa harap ko. Agad na akong pumasok. Habang umaandar paalis ay tinanaw ko ulit si Abiero na nasa highway na. He seemed like he's waiting for a jeepney. So, he's also commuting home? "Manong Kaloy, pakibagalan po 'yung patakbo. Salamat po..." ani ko sa driver. "Ayos ka lang ba, Yesh?" aniya. "Opo," walang gana kong sabi. Tinanaw ko na lang ang mga sasakyan at gusali na nadaraanan namin pauwi ng bahay. I even saw some group of students having the best time of their high school life. Ang iba ay nasa kainan at mall, walang iniintindi. I smiled bitterly. "Dito na," aniya ni Manong Kaloy. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. Pumasok na ako sa bahay at unang bumungad sa akin si Ate Audrey na nakikipagtawanan kay Daddy sa sala. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Mabuti at wala si Mommy dahil duty niya ngayon sa hospital. "Oh, Yesh," ani Ate ang unang bumati sa akin. Naglakad na ako palapit. I slightly kissed my Daddy on the cheeks to greet. Aakyat na sana ako at iiwas na agad pero naalala ni Daddy. "'Di ba ngayon ang release ng card niyo?" I sighed. Binuksan ko ang bag ko para kunin ang report card para sa first semester. It was only the second grading and my overall average is just 96.3. I silently hoped na sana ay matanggap ito ni Daddy nang iabot ko sa kanya iyon. Binuklat niya ito. He just skimmed through it and probably focused more on my academic grades. Kinabahan agad ako nang makitang bahagyang kumunot ang noo niya. "96," he muttered. "Mas mataas pa rin ang sa Ate mo noong pareho kayo ng edad..." Yumuko lang ako. Nakita kong tumingin sa akin si Ate Aubrey. "But not bad." Tumango-tango si Daddy kahit na halatang hindi satisfied. "Show this to your Mom later." Tumango na lang ako. Tinanggap ko na ang report card ko. Aalis na sana ako pero muling nagtanong si Daddy. "Are you the highest on your batch? Hindi gano'n katas ang grade mo ngayon." Halata sa tono niya ang pagkadismaya. Here is it. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga maaaring marinig. Umiling ako. "Second to the highest po." Nakita ko agad ang pagdaan ng nanliit na tingin ni Daddy sa akin. Yumuko ulit ako para hindi ko na makita iyon. I don't want to see it. "You're what? Second? Second lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Daddy. "Dad, second to highest is already high-" Ate tried calming Dad down. "Bakit second ka lang? What happened?" Bahagya ng tumataas ang boses ni Daddy. "Don't worry, babawiin ko po sa next sem..." Walang ganang natawa si Daddy. "For what? Para saan ka pa babawi kung may nakaangat na sa'yo? I thought you were the best." I am not the best. You just want me to be the best. Gusto ko sanang sabihin 'yon pero hindi na lang ako sumagot. "Ikaw ang bahalang kumausap sa Mommy mo tungkol 'dyan. Sa ngayon, umakyat ka na. Baka kung ano pang masabi ko," he said coldly. Umakyat na lang agad ako at nagkulong sa kwarto. I feel so down. Pakiramdam ko lahat ng pinaghirapan ko para masabi lang na proud sa akin ang parents ko, nawala. Unti-unting mawawala na naman. Habang inaaral ko ang mga susunod naming lesson ay hindi ko napigilang umiyak. Kaunti nga lang ang nasabi ngayon ni Daddy sa akin kumpara tuwing ganito ang sitwasyon ko noon. Ang lubos kong ayaw harapin ay ang mga sasabihin ni Mommy mamaya kapag nalaman niya. She's definitely not gonna let me off this. I was sleeping when she barged into my room. "Ayesha!" Malakas na katok niya. Mabilis akong bumangon para mapagbuksan kaagad siya ng pinto. The last thing I want is to angered her more. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang galit niyang mga mata. "Yes, mom-" "Totoo ba 'tong sinabi ng Daddy mo? He said he got your report card earlier. Bukod sa hindi na nga gano'n kataas ang grade mo, bumaba pa raw ang place mo. Just second to the highest?!" hindi makapaniwala niyang sabi. "Don't you dare tell me it's true?" Napapikit ako sa lakas ng boses niya. I know she's really angry. Ang ayaw niya sa lahat ay may nakakaangat sa amin. "Bakit hindi ka makasagot?!" Huminga ako ng malalim at pinigilan na maiyak. "O-Opo." "What do you mean?" "Totoo po na-" "My God! What happened?! Bakit biglang bumaba ka? Hindi ka makasunod dahil bago na ang mga subjects niyo sa senior high? You weren't like this in your junior high school!" I tried it again. "Babawi na lang po ako sa next sem namin..." She scoffed at me. Katulad ng tingin kanina ni Daddy ay nanliliit ako ngayon sa kanya. She's more than disappointed. Hindi agad siya nagsalita. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili ngunit halata pa rin ang galit ng magsalita. "You know what, I'm so disappointed in you," malamig niyang sabi. “Ano na lang ang sasabihin ng mga Tita mo at company mates ko sa atin?” she said frustratedly. Kahit anong pigil ko ay unti-unting nagbadya ang mga luha sa mga mata ko. I bowed so Mommy won't see it. "Your sister never gave us this much disappointment. Laging puro karangalan binibigay sa 'min. Why can't you be like her? Mahirap ba 'yon? Ano bang nangyari sa 'yo ngayon? Nagpapabaya ka na ba, huh?" Umiling ako. "Eh, bakit ka natutulog? You were sleeping, right? Nagising ka lang nang kumatok ako. Of all times, you should know that this isn't the time for you to sleep!" Itinuro niya ang lamesa ko. "Mag-aral ka! Sayang ang oras mo sa pagtulog, wala kang matututunan 'dyan." I was really tired. I wanted to sleep and rest. Nasa bahay naman ako, ah? Bakit puro pag-aaral pa rin ang kailangan kong gawin? "Nilipat ka na nga namin sa public school para lang mag-excell ka. Pero hindi mo pa rin nagawa ng maayos? You were doing fine these past few years, what happened? Being best should be consistent, Ayesha! Iyon ang tinuro ko sa 'yo, 'di ba?" Tumango agad ako. "Opo... I'm.... sorry po." She rolled her eyes. Unti-unti na siyang kumalma. "Make sure this doesn't happen again, Ayesha. Make sure," diniin niya ang huli niyang sinabi. Umalis na si Mommy pagkatapos no'n. I slowly walked on my desk. Naupo ako sa harap at saka inayos ang mga libro ko. I wanted to cry so much but I can't because I have to study. Again. Iyon lang ginawa ko buong madaling araw. Pumuslit ako ng tulog kahit dalawang oras lang bago ako bumangon para pumasok sa school. I thought of making an excuse that I'm not hungry para hindi makasabay sa almusal. Kaya lang baka lalo silang magalit. Kahit gusto ko na sanang umiwas ay naupo na lang ako sa hapag. My Mom and Dad were silent. Ganoon din si Ate aubrey. Binilisan ko ang pagkain bago pa sila may masabi na ayaw ko nang marinig. "Yesh, ayusin mo. Mataas ang expectation sa 'yo ng mga Tito't Tita mo dahil sinabi ko na gaya ng Ate mo, ikaw rin ang nangunguna ngayon sa batch mo. Make sure to fix all that, okay?" Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil maayos na ang tono ni Mommy nang sabihin niya iyon. Mabuti na lang at wala na silang sinabi pang iba sa akin. I don't want to start the day so negatively as it already is. Remember the crazy idea I thought of yesterday, ngayon ko balak umpisahan iyon. Tinanaw ko ang mag-isang naglalakad na si Abiero. He's alone, of course. He doesn't have any friends. First grading when I first heard about him. Nasa faculty ako at nagpapabibo sa mga teachers nang marinig kong pinag-uusapan siya. "You know, that boy is really aloof and all but we have to admit, he has the brains." "I agree. Nagulat din ako. Tahimik lang siya pero nang tawagin ko sa recition ay ang ganda ng sagot. Didn't expect it lalo at transferee siya.” Inayos ko ang papel na inutos sa akin ng teacher. Medyo humilig ako ng kaunti para mas marinig ang pinag-uusapan nila. "I bet pagkatapos ng sem na 'to, malilipat 'yang Abiero sa star section ng stem." Star section? STEM, same strand as me? You mean, the one they're talking about, Abiero... is going to be my classmate? "Kung papayag siya." "Bakit hindi? Advance ang pagtuturo sa star section. Mas marami siyang matututunan doon." "Well, baka lang hindi siya pumayag. Mataas ang pressure sa star section at masyadong nasa spotlight. Sa ugali ng batang iyon, halatang ayaw sa mga gano'n." I thought he was just another smart schoolmate. Iyong tipong average smart na naligaw lang sa lower section ng strand namin dahil transferee. He wasn't supposed to be a match to me kaya wala akong pakialam sa kanya noong una. But it turns out he was even freaking smarter than me. Paano iyon? Transferee siya at ngayon lang napadpad sa school namin but he still managed to outsmart me. Hindi lang iyon, nakuha niya rin ang highest grade sa buong batch namin. That means he's the top student of Grade 11! Ako dapat iyon kung wala lang siya! What's his secret? In born ba 'yang talino niya o may ginagawa siyang kakaiba. Or maybe, dinadaan niya sa dasal? He can't possibly be cheating, right? Hmm. I have to know. Naglalakad na siya palapit sa akin. I was obviously staring at him. Hindi ko alam kung napapansin niya ba at sadyang wala lang siyang pake dahil ayan na naman ang walang ekspresyon niyang mukha. I rolled my eyes when he just walked passed me. Napakasuplado! I took a deep breath and remembered what I had decided to do. Here's my plan. Since he doesn't have any friends, I decided that I'll befriend him. Hindi na rin masama para sa kanya ang balak ko. It's like a win-win for us since he's going to gain a friend. Which would be me. But then of course, I have my own agenda for doing so. Kapag napalapit ako sa kanya, I might know what's his secret kung bakit sobrang talino niya. Not only that, if I manage to get close to him, I'd be able to do some things to distract him. Who knows? Maganda ako, matalino, magaling makisama, at talented pa. Given all that, you could say I have the means. It's not entirely impossible for him to fall in love with me. I smirked. And when that happens, I can be a little distraction to him, right? It's a crazy idea. Pakiramdam ko hindi patas ang gagawin ko. It's playing unfair and selfish. Immature, too. But I don't have a choice. Kailangan manalo ako laban sa kanya. I need a sure win and for that to happen, I need to do this. I have to do this successfully. Besides, kapag na inlove siya sa akin, hindi ko naman kasalanan kung ma-disctract siya, 'di ba? Napapikit ako sa mga naisip ko. I'm not even sure if he'll fall for it! Kapag hindi... hindi pwede! Dapat ay ma-in love siya sa akin. Hindi pwedeng hindi. That's the only way to distract him so he couldn't focus that much on his studies. Wala na akong pakialam sa ibang bagay. Whatever. I'm going for this. I gathered up all my courage to speak up. Humarap ako sa kanya na nakatalikod sa akin at naglalakad papasok ng school. I took in a deep breath before I called out for him. "Hoy, Abiero!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook