CHAPTER 2: Masked Man

1294 Words
___   ___ Friday Morning! "Hey Cinderella!" nakangiting bungad ni Rosy. Umaga palang ay nagchat na si Eura dito na kung maaari ay sabay na silang pumunta ng School. Iisang subdivision lang naman kasi sila at hindi pa makakapaghatid si Manoy dahil nasa hospital pa ito. "Morning Rose!" may halong pang-aasar nyang gaya sa ngiti nito. Pagdating nila ng school ay nasa gilid na ng gate si Merry. "Ang aga mo Mers, anong meron?" biro nyang tanong. "Baliw! kakarating ko lang at sabi ni Rosy na malapit na kayo kaya hinintay ko nalang kayo. Tara na nga! Na miss ko kayo ah!" sabay akbay neto sa kanilang dalawa. "Ewwwww!" sabay nilang sabi ni Rosy habang tumatawa tawa. ___   ___ Nalungkot si Eura dahil mag-uuwian na maya maya ay hindi pa nya nakikita si Charles. Dumaan sya kanina sa room nito pero di nya ito nakita. Ayyyysss...so sad!...di kompleto araw ko! Tumayo na sila at nagligpit ng kanilang mga gamit nang bigla nyang napansin ito na dumaan sa room nila habang nakahawak ito sa kaliwang bahagi ng tyan. Nagtaka sya dahil ibang Charles ang nakita nya ngayon.  May black eye ito sa kaliwang mata at magulo ang buhok nito. Dali-dali nyang niligpit ang kanyang mga gamit. "Mers, Rose, mauna na kayong umuwi. May importante lang akong pupuntahan," hindi nya na hinintay na makapagsalita ang dalawa at nagmamadaling sinundan si Charles. Nag-aalala sya para dito. Para itong takot na palinga linga sa kanyang paligid.  Mabilis itong sinusundan ni Eura habang pinapasok pa ang iba nyang mga gamit sa bag. Huli na ng mapansin nya na nasa loob na pala sila ng Little Baguio. Anong ginagawa ni Charles my loves dito?  5 PM narin kasi kaya ang lamig at medyo makulimlim na, dagdagan pa ng mga ibon na akala mo naman kakatayin sila. Kung hindi nya lang nakikita si Charles sa unahan ay matatakot na talaga sya. Yaaaaaayyyyyyyyy! Huminto si Eura at nagtago sa malaking puno nang biglang tumigil si Charles. Hindi ako dapat papahuli na sinusundan ko sya. Baka isipin nya eh stalker ako. Alam ko lang naman kung saan sya nakatira, pangalan ng parents and brother nya, kung saan sya nag-aral ng elementary at highschool, favorite color nya, motto in life nya. Yun lang naman mga alam ko. Hindi pa ako stalker no.....wahahahahaha Nawili na sya sa kakaisip ng sarili nyang kabaliwan nang pagsilip nya ulit kay Charles ay may kasama na itong isang lalaki. Nakatalikod sa kanya ang lalaki at si Charles ang nakaharap. Naka hoodie itong itim at ng bahagya itong napatingin sa kanan ay napansin ni Eura na naka maskara ito. Gulat at pagkabalisa ang nakarehistro sa mukha ni Charles. Nang biglang iangat ng lalaki ang kanyang kaliwang kamay at may hawak itong kutsilyo. Sa kinaroroonan ni Eura ay kitangkita nya pa ang takot at nanginginig na mga labi ni Charles. Bigla itong napaupo habang nakatingin sa lalaking naka maskara. "Wag! Sino kaba? Maawa ka!" pagmamakaawang sigaw ni Charles. Nang marinig ni Eura ang sigaw nito ay doon lang napawi ang pagkabigla nya. Noooooo! This is not happening!  Hindi! Hindi ko kaya ang nakikita ko! Noooo please! Not my Charles! Pagmamakaawa ni Eura sa isip habang nakapikit.  Nakaramdam sya ng sakit sa kanyang mga paa ng kakatakbo at kakahabol kay Charles kanina. Gusto nyang sigawan ang lalaking naka maskara pero nanunuyo ang kanyang lalamunan sa takot. "Hindi ako! Maawa ka!" naiiyak na sambit ni Charles. Iminulat ni Eura ang kanyang mga mata ng marinig nya ito. Ngayon nya lang nakita si Charles na ganito. Naaawa sya pero wala syang magawa. Kahit malamig ang paligid ay pawis na pawis sya. Sa tanang buhay nya ay ngayon lang sya makakasaksi ng posibleng krimen na mangyayare. "Pakawalan mo ko at ang kapatid ko. Alam ko kung saan. Tutulungan kita! Kaya nga ako pumunta dito diba?"pagmamakaawa nito. Sa lahat ng mga sinabi ni Charles ay hanggang ngayon wala paring kibo ang naka maskara. Umiling lang ito ng paulit-ulit. Anong gagawin ko? Tatakbo? Pano pag ako naman ang nakita? Iiwan ko si Charles? Nooo!!  Kailangan nyang gumawa ng paraan pero parang babagsak ang katawan nya dahil sa nanginginig nyang mga tuhod. Para syang masusuka sa nerbyos. Nang biglang..... "Crrrrrrrrkkkk!" shocks! nakatapak si Eura ng mga tuyong sanga at dahon. Ngayon ay rinig na rinig nya na ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Para itong nasa karera at mukhang ito na yata ang mananalo.  Sisilip na sana sya ng biglang..... Kanina lang ay mga limang metro ang layo nito sa kanya. Ngayon nasa harap nya na ito. Hindi mukha ni Charles ang nakita nya kundi ang puting maskara na sa tingin nya ay mga ilang linggo ring magiging laman ng kanyang masasamang mga panaginip. Yun eh kung magkakaroon pa sya ng pagkakataong makatulog. Mga ilang segundo rin silang nagkatitigan nang makita ni Eura sa gilid ng kanyang mga mata ang pagtakbo ni Charles pabalik sa School. Ngayon ay dalawa nalang sila ng lalaking naka maskara. Bakit mo ko iniwan Charles............ ___   ___ "HI?!" parang baliw nyang sambit. Hindi nya alam kung bakit sa ganitong sitwasyon ay yun pa ang unang lumbas sa kanyang bibig. May plano pa yata akong makipagkilalahan sa killer ko.  OMG! EURA! Mag-isip ka ng paraan. "Uhmmmm....excuse me! Napadaan lang po ako eh. Sige balik na ko sa School ha?" mabilis nyang iwas dito at naglakad ng mabilis. Mga ilang segundo lang ay nasa harap nya na ulit ito. Yes natatakot sya pero dapat nyang patatagin ang sarili nya. Parati ko pa namang pinagmamalaki na matapang ako. "Ah ganon, ayaw mo kong padaanin? Hindi ko na sana ipapakita ang talent ko sa karate kaso mukhang sinusubok mo yata ako eh," matapang nyang sabi. Sa sinabi nya ay ginalaw galaw nito ang leeg pakanan at pakaliwa. Nagskwat si Eura at pinuwesto ang dalawa nyang mga kamay sa kanyang harapan hudyat na aatake na sya. Nang biglang tumakbo sya ng mabilis sa direksyon ng school. Eto na yata ang pinakamabilis kong takbo sa buong buhay ko.  Hindi na sya tumingin pa ulit sa direksyon ng lalaki dahil kapag ginawa nya pa ay alam nyang yun na ang katapusan nya. Nakita naman sya ng isang guard na tumatakbo kaya mabilis sya nitong sinalubong. "Kuyang Guard!!!!!!!!! TULONG po!!!! Nandoon po ang killer sa Little Baguio. Nakamaskara po ito ng puti at nakahood na itim. Meron po itong hawak na kutsilyo," mabilis nyang pagsusumbong dito. Agad naman itong nag radyo at humingi ng back up.  Pagharap nito sa kanya ay nakita nya naman ang iba pang mga guards ng school na mabilis na tumatakbo papasok ng Little Baguio. "Miss, ihatid muna kita sa clinic para masigurado po na ligtas at masuri kung meron kayong sugat," mabait nitong sabi. Pagdating sa clinic ay pinaupo muna sya nito sa isang upuan at pinakalma. "Miss, pwede po bang dito muna kayo? May mga ilang itatanong lang po kami sayo mamaya. Aalis po muna ako saglit at irereport ang nangyare," saad nito. Mabilis naman syang tumango. Ngumite muna ito at saka mabilis na umalis. Pagkatapos nyang masuri ng nurse ay tinanong sya nito kung may masakit paba sa kanya at kung may iba pa syang nararamdaman. Agad naman syang umiling at sinabing para lang syang nahihilo. Iminungkahi naman nitong magpahinga muna sya kahit saglit at dito narin hintaying bumalik ang guard na nagdala sa kanya kanina. Ang clinic nila sa school ay mayroong limang kama. Meron naman itong mga puting tela sa bawat gitna na nagsisilbing harang kaya kung hindi ito papawiin ay hindi makikita kung sino ang mga nasa bawat kama. Pumunta sya sa pinakadulong kama dahil yun ang sa tingin nyang pinakamalayo sa pintuan. Kung may papasok man ay hindi sya ang unang makikita. Habang nakahiga ay napaisip sya sa mga nangyare. Hanggang ngayon ay hindi parin sya makapaniwala na mabilis syang nakatakas. Sino ang naka maskarang lalaki?  Bakit nya gustong patayin si Charles? Ano ang kaugnayan nilang dalawa? Sa pag-iisip ay labis syang nagulat nang may biglang gumalaw sa ika-apat na kama at may biglang tumakip ng kanyang bibig.  ___   ___ Nasa panganib nanaman ba ang buhay ni Eura???? Hey loverz❤️❤️ Thank you so much sa pagsubaybay sa Amor Prohibido. Ako po ay lubos na nasisiyahan dahil sa inyong suporta. *Please don't forget to like, add to library and follow me. Love lots❤️ #MaskedMan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD