___ ___
"Ba't ang tagal mo?" nagtatakang tanong ni Merry.
"Matagal ba? D naman ah. Tara na hehe," paiwas nyang tugon. Hindi sa may tinatago ako sa mga friends ko, kaso lang pag nalaman pa nila na may stranger akong nakita ay baka hanapin pa nila at matagalan pa kami sa pag-uwi. Mas delikado.
Paglabas nila ng gate ng school ay nandon na ang driver nila Rosy.
Agaran kasi ang pagpapauwi sakanila kaya hindi na nasundo si Merry. Sa kanilang tatlo kasi ito ang may pinakamalayong bahay. Sila ni Rosy ay isang subdivision lang.
Mukhang kay Rosy na kami sasabay na tatlo pauwi. Kasi guess what?? Nakalimutan ko nanamang tumawag kay Manoy, ang driver namin. Hehehe
"Bye guys. Thank you Rose. Pasok na ko. Chat nyo ko," ani Merry habang pababa ng sasakyan. Ito kasi ang inuna nilanh ibaba para joyride narin.
"Nood tayo ng movie Eurs!" pagpaparinig na sabi ni Rosy habang nakatingin kay Merry.
"Tigilan nyo ko. Alam kong hindi kayo aalis ng wala ako," pangite-ngiteng saad ni Merry habang binubuksan ang gate. Nang makapasok na si Merry ay umalis narin sila ni Rosy.
"Totohanin kaya natin?" nakangiteng sabi ni Rosy habang nakaharap sakanya.
"Babalikan natin si Merry?" hindi makapaniwalang tanonh nya.
"Hindi, totohanin nating hindi sya isama. Hahahaha," tawang tawang sagot nito.
"Gusto mo ng isang linggong sermon? Ako ayoko, nakakabinge kaya bunganga ni Merry tapos lumalaki pa mata pag galit." Nilakihan nya ang mga matang humarap dito.
Tawa sila ng tawa sa loob ng sasakyan at ang topic nila syempre ang nanay nila----si Merry. haha
___ ___
Nang makapasok na si Eura sa gate ay nakita nya si Manoy na nangangape habang nakatingin sa malayo.
"Manoy, magandang tanghali po. Mukhang malalim po iniisip nyo ah," bungad nya dito habang naglalakad papasok ng bahay.
"Miss Eura, ikaw ba yan? Bakit ka po nandito?" takang tanong nito.
"Hello! Manoy bahay ko to? Siguro? haha," nang-aasar nyang tugon.
"Hehe ang ibig kong sabihin ay ang aga naman po ng uwi mo. At wala po akong natanggap na text mo na magpapasundo kana po. Pasensya po." Kamot ulong sabi nito sabay tingin sa cellphone nito kung hindi talaga sya nagtext.
"Okay lang po yun, may emergency po kasi sa School at nakalimutan ko rin po magtext. Si Rosy nalang po naghatid sakin," nakangite nyang tugon dito.
"Miss Eura, ahm....ahmmm," alinlangang tawag ni Manoy.
Napatigil naman sya sa pagbukas ng pintuan at humarap ulit dito.
"Ano po yun?"
"Ah wala po," tugon nito.
Ramdam nyang may importanteng gustong sabihin ito ngunit hinayaan nya nalang muna. Napansin nyang tahimik ang bahay, tiyak na wala ang Mommy at Daddy nya kaya dumiretso nalang sya sa kwarto.
Hindi pa sya nakakabihis ng napahiga sya sa kama. Sino yung lalaking nakita ko kanina? Bakit sya nasa School? Bakit parang hindi sya maalis sa isip ko?
Bakit punit punit ang damit nito? May kinalaman ba ito sa nangyare sa Little Baguio? Andami nyang mga katanungan sa sarili. Pero kahit isa ay wala syang maisagot. "Ano kaba Eura Heartfilia! Kaya nga stranger diba kasi hindi mo kilala!" saway nya sa sarili ko.
"Pero ang gwapo nya diba?" kinikilig kilig nyang sabi. Haynako pooooo.... Ay ewan. Tumayo nalang sya at nagpasyang magshower. Sarap talaga sa pakiramdam kapag bagong ligo. Hehehe
Lumabas na sya ng banyo at pumasok sa walk in closet. Pagpasok nya ay ang malaking salamin ang sumalubong sakanya.Minsan ay hindi ako pumapasok ng walk in closet lalo na pag gabi kasi pagbukas ay may nakikita akong DYOSA! Hahahaha charooot lang...
Pag nandito lang sya sa bahay ay malaking T-shirt at maiksing short lang na black ang nakasanayan nyang suotin.
"Ayaw kong lumabas. Ano kaya mabuting gawin? f*******:? No! Pabalik balik nalang. Twitter? i********:? No! No! Ganon parin. Tinatamad ako ngayong maki social," napapaisip nyang sabi sa sarili ko.
"Yes! Alam ko na! Tatapusin ko nalang ang binabasa kong 'Demon Thief' by Darren Shan." Tumayo sya at pumunta munang bed para ayusin ang iba nya pang mga gamit. Mas maganda kasing magbasa kapag maaliwalas ang paligid.
Sa kanang bahagi ng bed ay mayroong bookshelf. Kinuha nya doon ang libro at nilagay muna ito sa study table. Mahilig kasi syang magbasa lalo na yung may mga genre na horror, fantasy and romance. And Darren Shan is one of her favorite authors.
Speaking of novels, mas mabuti sigurong kumuha muna ako ng something to eat. Pag naumpisahan nya na kasing magbasa ay mga ilang oras din syang nawiwili.
Lumabas sya at napatingin sa room ng parents nya. Katabi lang naman kasi ng room nya ang masters bedroom. Kung gaano kaliit ang room ko ay ganoon naman kalaki ng room nila. Mga 3/4 po ng bahay ay room nila, charoooot lang! Hehe pero parang ganon na po.
Sa tabi ng masters bedroom ay may mini garden. Doon sila madalas mag bonding ng Mom nya.
Bumaba sya at ang unang bumungad sa kanya ay ang mga puting furnitures sa sala. Halos lahat ng nandito sa bahay ay kulay puti. Adik kasi sa kalinisan ang kanyang Dad. Dito sila madalas nagkukwentuhan nila Merry at Rosy.
Sa kaliwang bahagi ng sala ay ang maids quarter at may maliit din na banyo para sa mga bisita. Meron silang tatlong katulong sa bahay sila Manoy, Aling Gloria at Nanay Rosa.
Dumiretso na sya sa kusina. Gumawa sya ng avocado shake and kumuha ng avocado cake. I love avocados. Hehehe
Paakyat na sya ng napatingin sya sa garden sa labas ng bahay. Napatingin sya kay Manoy na palakad lakad sa harap ng puno ng mangga. Mukhang meron nga itong problema.
"Manoy, okay lang po ba kayo?" tanong nya. Agad naman syang napansin nito at lumapit.
"Yun na nga kasi Miss Eura, si paola kasi nasa hospital ngayon. Namimilipit daw sa sakit ng tyan, eh nag-aalala naman ako," mahinang saad nito.
Si paola ay ang bunsong anak ni Manoy na ngayon ay 6 years old palang.
"Puntahan nyo po kaya Manoy? Para naman po hindi kayo mapagod kakaikot dito sa puno ng mangga," medyo pabiro nyang sabi. Napakamot naman ito ng ulo.
"Salamat po Miss Eura. Babalik po agad ako kapag okay na ang lahat," nagmamadaling sabi nito at umalis na.
Nag-aalala din sya dahil napalapit narin sya sa bata. Dito kasi palagi yon sa bahay lalo na pag wala sila Mom at Dad. Sana ay okay lang sya.
Umakyat na sya ng kwarto. Nilagay ang pagkaing dala ko sa study table at nag-umpisa ng magbasa.
___ ___
"Okay na ba lahat hon?" ani Mom.
"Ang accommodation nalang ang may konting problema pero si Cathy na yong bahala," tugon ni Dad.
That's Mom and Dad!
Hindi nya narinig ang pagdating ng sasakyan ng mga ito. Masyado syang nawili sa pagbabasa. Narinig nya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanilang kwarto. Nang bumukas ulit ito ay dali-dali syang lumabas para salubungin sila.
She saw her Mom in her travel attire. "Mom!" may halong pagtatampo nyang tawag. Alam ko nanaman kasing aalis ang mga ito.
"Eura, baby ba't ang aga ng uwi mo?" gulat na sabi nito sabay halik sa pisngi nya. Hindi nito inaasahan na nasa bahay na sya ng ganong oras.
"May emergency po kasi sa school Mom. Saan kayo pupunta?"
"Your Mom and I decided for a 1 week vacation in Paris at may mga aasikasuhin narin. You know nakaka stress sa office at matagal tagal narin kaming hindi nakakalabas ng Mom mo," mahabang pagpapaliwanag ng kanyang Dad habang papalapit sakanya. He kissed her in the forehead.
"Matagal? Eh kakarating nyo lang naman po from Macao last week," nakanguso nyang tugon.
"Matagal na yon baby, sige na alis na kami at mahuhuli na kami sa flight. We love you. Asahan mo ang pasalubong from us. Call us from time to time," mabilis na sabi ng kanyang Mom. Halata namang umiiwas lang ito sa mga tanong nya.
Hinayaan nya nalang sila. Wala rin naman syang magagawa.
In my 19 years of existence, bihira ko lang silang nakakasama. They're always busy. Kung hindi sa work, sa pag tour sa buong mundo. Minsan lang naman ako nakakasama dahil sa mga school schedules ko.
Kaya hanggang HOUSE TOUR lang muna ako.
___ ___
TEASER
"Wag! Sino kaba? Maawa ka!" pagmamakaawa ng binata.
No! Hindi! Hindi ko kaya ang nakikita ko! No please! Pagmamakaawa nya sa isipan habang nakapikit.
Nakaramdam sya ng sakit sa kanyang mga paa sa kakatakbo.
Kasalukuyang nasa malaki syang puno at nakikita nya ang isang lalaking naka hood ng itim at naka maskara ito. Hawak hawak nito ang isang matalim na kutsilyo na nakatutok sa kaawa-awang biktima nito.
"Hindi ako! Maawa ka!" naiiyak na sabi ng biktima.
"Pakawalan mo ko, alam ko kung saan. Tutulungan kita!"pagmamakaawa nito.
Kahit malamig ang paligid ay pawis na pawis sya. Sa tanang buhay nya ay ngayon lang sya makakasaksi ng posibleng krimen na mangyayare.
Anong gagawin nya? Tatakbo? Pano pag sya naman ang nakita?
Parang babagsak ang katawan nya dahil sa nanginginig nyang mga tuhod. Para syang masusuka sa nerbyos.
Nang biglang.....
"Crrrrrrrrkkkk," shocks! nakatapak sya ng mga tuyong sanga at dahon.
Sisilip na sana sya ng biglang.....
Kanina lang ay mga limang metro ang layo nito sakanya. Ngayon nasa harap nya na ito.
The Masked Man!!!!!!!!
___ ___
Hello loverz...
Ang kabanatang ito ay para po lubos natin na makilala si Eura at ang mga taong nakapalibot sa kanya.
*Please don't forget to like, add to library and follow me..
Love lots❤️
#EuraHearfilia❤️❤️