Ang Amor Prohibido ay isang Spanish word ng Forbidden Love o bawal na pag-ibig.
Genre: Romance and Fantasy
Language: Taglish (Mix tagalog at english)
Intro:
Mga pusong pinagtagpo..
Itinadhana kaya?
Pag-ibig na habang binubuo ay pilit namang sinusubok..
Makakaya kaya nila?
WILL LOVE ALWAYS PREVAIL?
*****************
Showered with love and kindness, nasanay na si Eura that life always goes on the way she wanted. She believe that LOVE makes the world go round. Naniniwala syang ang tao ay nabubuhay to love and be loved.
Eura thought everything will stay the same forever until she met Travis. Misteryosong masungit kung tawagin nya ito.
She treasures LOVE while he never believe it even exist.
Will she be able to change his perception or sya ang babaguhin nito?
© ALL RIGHTS RESERVED
Pls. Note:
*Lahat po ng mga pangyayare sa kwentong ito ay likha lamang po ng imahinasyon ng may akda. Kung may pagkakapareho man sa inyong mga pangalan, lugar at totoong karanasan ay nagkataon lamang.
*Hangad ko po ang inyong kaligayahan habang nagbabasa. Sana po ay nasa mabuting kalagayan ang bawat isa sa inyo.
Characters:
1. Eura Heartfilia
*Mapagmahal na anak at kaibigan, maganda, sexy, morena, mahiyain pero matapang. Gagawin ang lahat para sa mga minamahal.
2. Travis Lopez
*Gwapo, masungit, matangkad, moreno, tahimik, habulin ng mga babae at misteryoso.
"Love? It's a waste of time." - Travis Lopez
3. Mertyl More
* Mas kilala bilang Merry. Isa sa mga matalik na kaibigan ni Eura.
4. Rose Marie Lou
* Isa rin sa mga matatalik na kaibigan ni Eura at mas kilala bilang Rosy.
5. Ramon Heartfilia
* Haligi ng tahanan. Mapagmahal na asawa at ama ni Eura. Isang tanyag na Businessman.
6. Diana Heartfilia
* Sikat na singer at song writer. Malambing at mapagmahal na asawa at ina ni Eura.
7. Charles David
* One great crush ni Eura ❤️
Ilan lamang po ito sa mga characters na bumubuo ng kwento. Marami pa po kayong makikilala.
Maligayang pagbabasa ❤️❤️
#Spreadthelove❤️❤️
___ ___
MEET EURA HEARTFILIA
___ ___
"Kung hindi mo naman pala ako mahal, wala ng saysay ang pagpunta ko rito. Bitiwan mo ko Charles," nagtatampong sambit ni Eura.
"Hindi ko sinabing umalis ka Eura. Dito kalang sa tabi ko. Huwag kang magkamaling iwan ako. Mahal na mahal kita," malambing na pagkakasabi ni Charles.
"Charles! Mahal na mahal din kita." Tumitig sya sa mga mata nito.
"Ipikit mo ang iyong mga mata at damhin ang tamis ng aking halik," anito habang nakatitig sa kanyang mga labi.
Bigla nyang hinawakan si Eura sa may baywang kaya bigla itong napapikit. Iniangat ni Eura ang kanyang mukha at naghihintay na dumapo ang kanyang mga labi sa .......
___ ___
ARRAYYY DIOSMIYOOOO KOO POOO!!!!
"Eura!!!!! Kanina pa kita tinatawag! Ano bang ginagawa mong bata ka! Hindi ka nanaman nakikinig at nakapikit kapa! Natutulog kaba sa klase ko?" galit na sabi ni Ms. Sanchez, ang masungit na teacher nila sa Economics.
Sabay ng pagdapo ng eraser ang tawanan ng mga kaklase niya. Akala mo naman nakikinig sila.
Hinimas himas nito ang ulong natamaan. Ayssss! Kaylan pa kaya magkaka boyfriend si Ma'am para naman mabawasan ang pagiging masungit nito.
"Pasensya na po Ma'am, gabi na po kasi ako nakatulog ng kakareview para sa quiz natin,"pasipsip nitong sabi.
Mukhang nauto naman nito si Ms. Sanchez at tatalikod na sana ng humarap ulit....
"Eura!" tawag nito.
"Ma'am?" tanong ni Eura na sinabayan pa ng matamis na ngiti.
"MISS! Hindi Ma'am, bata pa ako," mariing pagkakasabi nito.
"Ay yes po Ma'ammmm...ay este Miss po pala. Yes po MISS Sanchez," mabait nitong ulit.
Pagtalikod ni Ms. Sanchez ay sya namang pag ring ng bell hudyat na lunch break na.
___ ___
"Yaaay!!! Eurs, iba ka talaga. Parati kang nakakalusot kay Ms. Matandang dalaga ay Ms. Sanchez pala. Hahahahaha," natatawang sabi ni Merry.
"Sinabi mo pa, pinaglihe yata sa kasipsipan itong si Eura eh. Kung hindi lang matataas grades nito hindi maniniwala si Ms. Sanchez na ginabi to ng tulog dahil sa kaka review," pagsang-ayon at pang-aasar na turan ni Rosy.
Si Merry at Rosy ay kapwa mga matatalik na kaibigan ni Eura, mapalabas o loob man ng school.
Si Merry ay madaldal, maganda, sexy, matangkad pero may pagka boyish kung pumorma.
Si Rosy naman ay maganda rin, sexy at baby face. Kung ano ka boyish ang pag-uugali ni Merry ay ganon naman kahinhin at mahiyain si Rosy.
Ako? hahahahha Ewan ko nalang pagnakita nyo ako. Chhhaaaaarrr lang.
Mahiyain din naman si Eura pero medyo palaban lang. Mahilig syang magsuot ng mga malalaking T-shirt na nakuha nya kay Merry pero mahilig din syang magsuot ng may hills na mga sandals na namana nya naman kay Rosy.
Sabihin na natin na nasa gitna lang sya ni Rosy at Merry. Napapangiti ito sa iniisip ng bigla nilang nasalubong ang grupo nila Charles.
Pagdapo ng pabango nito sa ilong nya ay bigla namang panghihina ng mga tuhod ni Eura. Si Charles ang one great crush nya. Yes crush! Hindi pa love nuh. Crush palang hehehhe. Pero iba talaga ang dulot ni Charles sakanya.
Bigla syang natauhan ng kurutin sya ni Merry. "Ikaw na babae ka! Ang harot harot mo talaga!" saway ni Merry.
"Hayaan mo na Mers. Malay mo baka mapansin din sya ni Charles someday at magkatuluyan sila at magkaroon ng two cute little babies," daydreaming na pagkakasabi naman ni Rosy.
"Kayong dalawa talaga! Bahala nga kayo dyan. Hindi ko na alam kung paano ko kayo mailalayo sa mga lalaking habol lang ay sariling kaligayahan," mariing sabi ni Merry.
"Ay OA! Akala mo naman boyfriend ko na. Hindi pa naman. Soooooon!" patawa-tawa nya pang pang-aasar dito.
"Wow! Eurs, may blueberry cheesecake oh. Hati tayo?" Patakbong pumasok si Rosy sa canteen.
Pagkatapos nilang kumain ay pupunta na sana sila ng school garden ng may announcement silang narining.
"MGA MAHAL NAMING MAG-AARAL NG CALIDAD UNIVERSITY, LAHAT KAYO AY IMINUMUNGKAHE MUNANG UMUWI NG INYONG MGA TAHANAN. ALL CLASSES WILL RESUME TOMORROW. THANK YOU!" seryosong pagkakasabi ng Director ng school.
Lahat sila na nasa campus ay napatingin sa malaking speaker.
"May emergency yata," pabulong na sabi ng studyanteng malapit sa kanila.
"Sana hindi naman yun related sa nangyare kahapon nu?" mayhalong takot na tugon ng kanyang kasama.
"Ano yun Miss? Pwedeng malaman?" walang hiya-hiyang tanong ni Merry dun sa babae.
"Kahapon kasi may nakitang bangkay doon sa little baguio. Sabi ng mga nakakita ay bangkay daw ito ng isang estudyante dito kasi naka uniform pa," pagpapaliwanag nito .
Ang little baguio ay isang mini forest na nasa likod ng Calidad University. Malimit itong tambayan ng mga estudyanteng lumiliban sa klase.
Nagkatinginan silang tatlo. May namatay? Estudyante? Sino? Sinung pumatay? Bakit dito pa sa school?
"Yaaaaaayyyyy!!!!!!!!!!!" Tumakbo silang tatlo papuntang room para kunin ang kanilang mga bags.
"Tayo nalang pala ang hindi pa nakakakuha ng bag natin. Bakit ba kasi ang layo ng canteen sa room," sising sabi ni Merry.
"Sinisi pa talaga ang canteen," maarte namang sagot ni Rosy.
"Wait lang guys. C.R lang muna ako. Hindi ko na kasi mapigilan eh." Pigil ihing sambit ni Eura.
Palabas na sya ng C.R. ng may nakita syang lalaki sa labas at mga dalawang metro lang ang layo nito sakanya.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bumilis ang t***k ng kanyang puso. Palinga linga ang lalaki na para bang may hinahanap o may tinatakbuhan.
Matangkad at gwapo ito pero kapansin pansin ang sira nitong pang-itaas na damit at dumudugo nitong mga labi. Hindi ko pa sya nakita dito sa campus at hindi sya naka uniporme kaya malamang na hindi sya estudyante dito.
Biglang naalala ni Eura ang posibleng dahilan kung bakit sila gustong pauwiin ng Director. Sabay ng naisip nya ang pagtingin ng lalaki sa kanya.
Saglit na nagtama ang kanilang mga mata, may sasabihin pa sana ito nang sa takot ay mabilis na pumasok ulit si Eura ng C.R at ini-lock ito. Paano kung ito yung mamamatay tao na pinag-uusapan kanina ng iba pang mga estudyante?
Naghintay lang sya ng ilang sandali saka sumilip ulit kung nandoon pa ang gwapong lalaki este ang duguang lalaki. Pagsilip nya ay wala na ito. Mabilis syang tumakbo papuntang room kung saan naghihintay sina Merry at Rosy.
Pero teka, san ito galing at saan ito pumunta?
___ ___
Hello there loverz...
Sino kaya ang gwapong lalaki..ay! ang duguang lalaki pala, na nakita ni Eura?
Ito na kaya ang umpisa ng mala-telenobelang buhay ni Eura?
Bakit may patayang nangyayari sa Calidad University?
Aksidente lang kaya ito o sinadyang mangyari?
Sana po ay nagustuhan niyo ang una nating kabanata.
*Please don't forget to like, add to library and follow me..
Love lots❤️
#Who'stheKILLER